29. FERNAND

44 7 0
                                    

    NAKANGITI si Fernand. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang anak na nasa hagdan. Ramdam na ramdam niya ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata. Pero hindi niya ito pinansin, hindi niya na ito pinigilan. Tears of joy ika nga.

    Hindi niya alam kung dahil ba sa alak kung bakit nasabi iyon ni Felix, pero sapat na iyon para sa kaniya, para masabing okay lang kay Felix na mag-asawa siya ulit.

    Nawaksi ang iniisip niya ng tumunog ang kaniyang cellphone. Dinukot niya ito. Si Lucy, tumatawag. Sinagot niya.

    "Fernand," tawag nito sa kaniya.

    "Lucy, pleas—"

    Hindi niya natapos ang sasabihin. "Okay lang ba sa'yo mamayang hapon?"

    Napangiti siya. "Oo." Winaksi niya ang mga luha sa gilid ng mata.

    "Basta bilhan mo raw ng laruan si Jay ha." Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Lucy.

    Natawa siya ng marahan. "Kahit ano. Nasaan siya?"

    Ilang segundo pang tahimik ay muling may nagsalita sa kabilang linya. "Pa. Hello, Papa."

    "Jay. Anak." Nakangiti pa rin si Fernand ngayon. "Anong gusto mong bilhin ko?"

    "Helicopter po."

    Natawa si Fernand. "Helicopter na naman? Pero sige, basta laruan lang ha hindi 'yung totoo."

    Narinig niya ang tawa ng kaniyang anak. Napangiti ulit siya. "Basta ha 'wag mo ulit bigyan ng sakit sa ulo ang mama mo."

    "Yes, pa."

    Nag-usap pa sila ng kaunti at pagkatapos ay bumalik muna si Fernand sa loob ng kaniyang kuwarto. Hindi pa rin mawala ang kagalakan niya. Nagbihis muna siya ng pambahay. Napagpasasyahang umidlip muna para hindi antukin sa concert.

The Clockwork Romance (BL STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon