NAHUHULOG. Para akong nahuhulog, nahuhulog mula sa mataas na gusali, mula sa eroplano, mula sa helicopter.
Awtomatikong bumuka ang aking mga mata. Naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng dibdib ko. Tangina, parang nagscreenshot ang katawan ko kanina. Para talagang nahuhulog ako kanina.
Napatingin ako sa puting kisame ng aking kuwarto. Malabo parin ang aking paningin kaya kinuskos ko aking mga mata. Bumangon ako at doon napadaing nang maramdaman ang kaunting pagbiyak ng aking ulo. Hinilot ako ang aking sentido. Ano ba ang nangyari kagabi?
Nilibot ko ang tingin sa palagid. Nakapatay ang ilaw. Muli ko sanang ihihiga ang katwan ko pabalik sa kama nang may mahagip ang mga sulok ng aking mga mata. Si Cholo, nasa pintuan ko, papalapit sa akin, pa giwang-giwang ang puti niyang buntot. Dumiretso siya sa paanan ng kama ko. Natigilan ako. Bakit parang alam ko na ang kaniyang sunod na gagawin.
Bako paman makalapit sa aking mga paa ay tumikhim ako. Nakuha ko naman ang kaniyang atensyon. Lihim akong napatawa sa kaniyang reaksyon. Mukhang nagulat pa nga.
"Ikaw talagang aso ka." Lumapit ang mga kamay ko sa kaniya. "Halika nga rito." Hindi naman siya gumalaw. Nakatitig siya sa akin at nagpakuha sa aking mga kamay. Napangiti ako.
Nakaupo ako sa aking kama habang buhat-buhat ang mabalahibo at maliit niya katawan. Napangiti ako. Nitong mga nakaraang araw kasi ay naramdaman kong mas kumulit siya kumpara dati. Ginulo ko ang balahibo sa ulo niya. Ginawaran niya naman ako ng tahol. Malagong tahol na hindi bagay sa kaniyang cute na pagmumukha.
"Ah so lumalaban ka na ngayon ha!" Sinamaan ko siya ng tingin at muling ginulo ang kaniyang balahibo. Tumahol ulit siya. Umiling ako.
Hawak ko parin si Cholo nang bigla kong binaksak ang katawan ko sa malambot na kama. Ipinatong ko siya sa bandang tiyan ko at himalang hindi naman siya umalis. Nanatili lang siya roon at unti-unting dumapa. Nirelax ko siya. Nilalaro ko ang balahibo niya gamit ang mga darili ko.
Nakatingin na ulit ako sa aking kisame. Binalik ko ang tingin kay Cholo. Nakatingin na ito habang dinadama ang paghaplos ko. Hindi ko maiwasang mapangiti sa kakyutan ng aso ko. Sa hindi maipaliwanag na dahil, m
pumasok sa isip ko si Ford. Siya ang nagregalo sa akin nitong si Cholo. We own Cholo a day after ko siyang sagutin. Yeah, after 24 hours. At simula noon ay sumasama itong si Cholo sa gala namin, sa date namin, sa Castillo Grills, sa plaza, sa boulevard, saang lupalop man dito sa Dipag.Ilang haplos ko pa kay Cholo ay tumayo na siya. Lumakad siya mula sa tiyan ko papunta sa kilid ng kaliwa kong balikat. Muli siyang dumapa at pumikit. Napangiti ako. Bigla akong napahikab at ilang sandali pa ay dinalaw na naman ako ng antok. Pinikit ko ang aking mga mata.
MAY kumikiliti sa balikat ko. May kung anong basa ang pumapahid dito, paulit-ulit. Unti-unting bumukas ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kisame ng aking kuwarto. Medyo malabo pa ang aking tingin gawa ng pagtulog. Mula sa taas ay nilakbay ko ang aking mata patungo sa bandang kaliwa ko. Si Cholo. Timigil siya nang makita ako. Kinunot ko ang aking noo. Agad naman siyang naglakad papalayo sa balikat ko. Lumukso siya mula sa aking kama papunta sa sahig.
Naglakad na palabas si Cholo habang gumigiwang-giwang ang kanyang puting buntot. Napailing ako. Parang ginising niya lang ako mula sa pagkakaidlip kanina.
Mula sa pintuan ay nilibot ko ang tingin sa aking kuwarto. Medyo madilim pa ito. Patay parin ang ilaw na nasa gitna ng aking kisame. Nakasarado ang mga bintana. Dahan-dahan akong umupo. Napatingin ako sa sahig at doon nakita ang mga nagkalat na damit, puting polo at itim na shorts.
Habang nakaupo pa rin ay hinanap ko ang aking cellphone. Nakita ko ito sa tabi ng aking mga unan. Anong oras na ba? Binuksan ko ito. 12:53. Napatango ako. Tanghali na pala?
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...