"FELIX."
May humahawak sa akin.
"Felix."
Napamulat ako. Si Mama Melda. Pinikit ko ulit ang mga mata. "Felix, bumangon ka diyan nasa baba si Clifford."
Napamulat ulit ako. Si Ford. Anong oras na ba? Ilang minuto ba akong nakaidlip. Tiningnan ko si Mama Melda. "Sige po, pakisabi baba na ako."
Tumango naman si Mama Melda at naglakad palapit sa pinto. "Sige basta bilisan mo ha," sabi niya at sa pagtango ko ay umalis na siya.
Bumangon ako at sumandal saglit sa headboard. Magpapahinga muna bago mag-ayos sa banyo.
Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ako ng banyo at diretso lumabas sa kuwarto. Bumaba na ako sa hagdanan at papunta palang sa sala ay dinig ko na ang boses ni Ford. Mukhang kausap niya si Mama Melda. Naglakad ako papuntang sala at doon nakita ko si Ford. Nakaupo sa sofa habang nakikipag-usap kay Mama Melda. Lumapit ako sa kanila. Naramdaman naman nila ang presensya ko kaya lumingon sila sa akin.
"Oh bakit hindi ka pa nagbibihis?" Tanong ni Mama Melda sa akin. Kinilatis nila ang suot ko. Maskin si Ford ay mukhang nalilito. Nakapambahay pa rin ako.
"Ford, dito nalang tayo mananghalian?"
—
"HINDI pa ba tayo aalis?" Tanong ni Ford sa akin.
Nandito kami ngayon sa kama, parehong nakasandal sa headboard. Ilang oras na mula noong dumating siya rito.
"Dito na muna tayo," sagot ko sa kaniya.
"Why?"
"Kasi..." natigilan ako. Hindi ko rin alam. "Kasi gusto kong makabonding ka dito bago ang concert." Napangiti ako, 'yun, 'yun nga ang rason.
"Pwede naman sa labas sa labas. Sa Arcade, sa park, sa boulevard," sagot niya habang nilalaro ang kamay ko.
"Ayaw mo bang makipag-cuddle sa akin?" biro ko.
Lumawak naman ang ngiti niya. "Gusto," pagkasabi ay hinalikan niya ang kamay ko. "Pero sus I bet, gusto mo lang makant*t ng todo."
Napaawang ang bibig ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi kaya!" Sabi ko kahit alam kong may parte sa akin na totoo ang sinabi niya. "At tingnan mo naman 'yang paa mo."
"Sus, kaya ko pa rin. Basta nakahiga at ikaw ang tatrabaho," malokong sabi niya.
"Ang bastos mo. Hindi kita sasamahan mamaya. Mag-enjoy ka sa concert mag-isa."
Natahimik siya. Natahimik din ako. Hawak niya pa rin ang kamay ko. "Lix, alam mo naman 'di ba na gusto kong makitang magperform si Basil," mahina ang boses niya.
Napalunok ako. Biro lang 'yun pero may parte sa akin na gustong hindi matuloy ang lakad namin. "Ford," ang tangi ko lang nasabi.
Dahan-dahang inayos ni Ford ang pagkaupo niya. Bahagyang nakahrap siya sa akin. Hawak pa rin ang kamay ko at diretso ang mga mata sa akin, may kaunting lungkot, nangungusap. "Felix, please samahan mo ako mamaya."
Napalunok ako. Hindi makapagtimpi. Inagaw ko ang kamay ko mula sa kaniya at hinawakan ko ang mga mukha niya. Siniil ko siya ng halik. Malalim. Gusto kong ipadama sa kaniya na biro lang 'yun, na gusto ko siyang samahan, na gusto kong mapasaya siya.
"Of course sasamahan kita," sabi ko pagkatapos naming kumalas sa paghahalik.
Ngumiti siya, hinawakan niya ang mukha ko. Hinahaplos niya gamit ang hinlalaki ang pisngi ko, ang marka ko. "I love you, Felix."
Sobrang bilis na ang puso ko. Hawak ko pa rin ang mukha niya. "I LOVE YOU, FORD." Siniil ko ulit siya ng halik.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...