Nalulunod, para akong nalulunod, sa karagatan, sa ilog, sa dagat. Basa ang katawan. Puno ng tubig ang baga. Hindi makahinga.
Awtomatikong bumukas ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang puting kisame. Napahawak ako sa dibdib. Bumibilis ang pagpintig nito. Parang sasabog. Ilang saglit pa ay bumuntong hininga ako. Felix, panaginip lang 'yun, ang bulong sa aking isipan.Malabo pa rin ang paningin ko kaya kinusot ko ang aking mga mata. Bumangon ako at doon napadaing nang maramdaman ang kaunting pagbiyak ng aking ulo. Napahinilot ako ang aking sentido.
Umalis ako sa kama. Tumayo at nag-unat. Ilang segundo ang nakalipas ay narinig ko ang munting halhal ng aso. "Cholo?" bulong ko. Napangisi ako. Awtomatikong pumunta ang aking mga paa sa gilid ng pintuan. Nilapat ko ang aking likod sa puting dingding. Patay ka sa akin ngayon.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang presensya ni Cholo. Nasa pintuan na siya at kaunti na lang ay papasok na sa aking kuwarto. Kalahati palang ng kaniyang katawan ang pumasok ay agad akong lumundag at hinarang siya. "Hoy!" Agad siyang napabalikwas. Tumahol siya, malakas, paulit-ulit. Naawa naman ako dahil sa aking ginawa.
Ilang tahol pa ay tumigil na siya at tumalikod sa akin. Naglakad sa papalayo sa aking kuwarto. Sinundan ko naman siya. "Hoy, Cholo. Sorry na," nagtunog makaawa ako pero hindi siya lumingon. Walang effect sa kaniya. Pagiwang-giwang siyang naglakad at bumaba sa hagdanan. Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa kuwarto.
Nilibot ko ang tingin sa kuwarto. Medyo madilim pa ito kaya pinindot ko ang switch. Patay pa rin ang ilaw. Brownout. Natigilan ako at agad din namang napabuntong hininga. May mga araw talagang brownout, so hindi na bago, pero parang deja Vu.
Napatingin ako sa sahig at doon nakita ko ang nagkalat ang aking mga damit, ang puting polo at itim na shorts na suot ko kagabi. Sa sahig hindi kalayuan sa aking kama ay naroon ang mga nagkalat kong shuttlecock at mga racket. Bumuntong hininga ako at umupo sa kama. Hinanap ng mga kamay ko ang cellphone. Anong oras na ba? Ilang halukay pa sa mga unan at nakita ko na ito. Binuksan ko. 12:40? Bumuntong hininga ako. Tanghali na pala. Napatingin ulit ako sa magulong silid. Mukhang kailangan ko munang maglinis.
Tumayo na ako at muling nag-unat ng katawan. Nakaboxers lang pala ako. Kinuha ko ang kumot sa kama at binalot sa katawan. Mahigpit para hindi kumawala. Una kong pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Nilagay ko ang mga ito sa basket. Sunod kong kinuha ang mga kagamitan ko sa badminton. Isa-isa ko itong inayos sa lalagyan. Nagpunta ako sa aking bintana at hinawi ang kurtina. Pagbukas ko sa bintana ay sinalubong ako ng mainit na yakap ng araw. Dumikit ang mga gintong ilaw sa balat kong hindi natakpan ng kumot.
Mula sa kinatatayuan ko ay pumasok sa aking mga tinga ang mga yapak papalapit. Parang may kung ano sa utak ko, hindi ma explain pero alam kong kay mama Melda ang mga yapak. Napakibit balikat ako. Instinct na siguro. ni mama Melda.
Hindi pa man nakarating sa pintuan ay narinig ko na ang tinig niya. Napangiti ako, tumama ang hula ko. "Felix, si Clifford nasa baba. Hinintay ka raw." Nakatayo na siya sa unahan ko. Nilibot niya ang tingin sa aking kuwarto, ngumiti siya ng marahan. Napangiti naman ako. Siguro nag-expect siya na magulong kuwarto ang bubungad sa kaniya ngayon.
"Sige po, mama Melda. Pakisabi kay Ford maliligo muna ako saglit," tugon ko sa kaniya.
Tumango siya. "Oh siya, 'wag mong paghintayin ha. Baka mainip at hiwalayan ka pa." Tumawa siya at nagpaalam na umalis.
Umiling ako. I hope hindi 'yun mangyari at knowing Ford, hindi niya ako hiwalayan. Napangiti ako. I hope tatagal pa kami.
Tinanggal ko na ang kumot na nakayakap sa katawan ko. Hinagis ko ang kumot sa aking kama. Dinala ako ng mga paa sa pintuan ng banyo. At saktong pagpasok ko ay umilaw ang bombelya sa kisame. Wow. Saktong-sakto.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...