7. FELIX

75 8 0
                                    


    SARIWANG hangin ang dumampi sa aking mukha. Nandito kami ngayon ni Ford sa Dipag Boulevard, naglalakad sa seawall, pinapalipas ang oras.

    Maraming kaming nakakasalubong sa daan. Mga batang naglalaro, naghahabulan, nagmamaneho ng bike, may mga magulang man o palaboy ay nagsisiyahan dito. Kagaya namin ni Ford, marami ring magkasintahan ang nandito. Ang iba magkahawak kamay at pinapainggit ang ka-sweetan nila at may iba ring parang casual lang. May mga magbabarkadang naghihiyawan. Sa tingin ko ay teenager pa ang mga ito. May mga magkapamilya rito, nakaupo sa mga bench. Hinihintay ang paglubong ng araw at hinihintay ang event mamayang gabi.

    Walang nang sasakyan ang dumadaan ngayon. Kanina pa kasi sinarado ng mga pulis ang daan. Nag-iinspect sa entrance, nagbabantay upang masiguradong safe ang concert mamayang gabi. Natigilan ako. Sa hindi maipaliwanag na rason, unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili.

    Tinanaw ko ulit ang mga magjowa rito. May mga magjowang teenager at mayroon din namang mga mature na. Napaisip ako, ilang taon na kaya ang relasyon nila? Magtatagal kaya?

    Nawaksi ang aking pag-iisip nang biglang may tumamang liwanag sa aking mukha. Natigilan ako. Isang camera flash. Nilingon ko si Ford. May ngiting tipid sa kaniyang mukha. Hawak niya ang kaniyang phone. Binaligtad niya at pinakita niya ang litrato ko. Bumuntong hininga ako.

        "Ang lalim ng iniisip mo." Nakatuon ang tingin niya sa screen ng kaniyang cellphone. Nakita kung zinoom niya ang litrato. Lumawak naman ang ngiti niya. "Look, ang gwapo mo parin kahit stolen."

    Tiningnan ako ang litrato. Kumurba ng kaunti ang labi ko. Yup, tama siya.

    "Halika nga rito, kanina ka pa hindi nakikinig sa akin eh." Nakita ko si Ford na dumaan sa gilid ko at nagtungo sa gilid ng seawall. Gumawa ako ng ilang hakbang at tumabi sa kaniya. Nakatayo na kami sa gilid ng seawall. Nakatingin sa malawak na dagat.   "Halika upo tayo." Ngumiti si Ford sa akin.

    Tumango ako at inalayan ko siya sa pag-upo. Nilapag niya ang dalawang saklay sa semento. Umupo naman ako at tumabi sa kaniya. Nakalaylay na ang aming mga paa. Ilang puldaga ang taas mula sa mga pinong buhangin sa ibaba. Tiningnan ko ang paligid. Gaya namin, ay mayroon ding nakaupo sa gilid ng seawall.
 
    Tinanaw ko ang dagat sa harapan. Kasing bughaw nito ang kalangitan. Pero kumpara sa mga ulap, mas agresibo ito. Malakas na sumasampal ang alon nito sa mga pinong buhangin sa dalampasigan. Sumasalpok at umaatras pabalik. Sasalpok. Aatras. Paulit-ulit. Napaisip ako. Ano kaya ang kwentong mayroon ito? 

    "You heard the story of Felipe?"

    Napatingin ako kay Ford. Nasa dagat ang kaniyang tingin. Kumunot ang noo ko. "Sinong Felipe?"

    Lumingon siya sa akin. "Dito. 'Yung lalaking palaging nalulunod dito." Mukhang hindi siya makapaniwala sa akin. "Famous kaya 'yung story."

    Umiling ako. "Hindi, bakit?" Bumuntong hininga ako. Ayan na naman siya sa mga kuwento niya. Natigilan ako. Hindi kaya, "'Wag mong sabihing namatay siya rito?"

    Medyo kinilabutan ako sa naisip. Hapon pa naman pero effective na ang pangtatakot niya sakin.

    Tumawa si Ford. "Hindi. Ang lover niya ang namatay dito."

    "Nananakot ka na naman."

    Sasagot na sana siya nang may narinig kami sa aming likuran. Parang may na bangga. Lumingon ako. Marahang bumuka ang aking mata. Isang batang nadapa. Mukhang nagdive siya sa semento. Agad siyang tinulungan sa pagtayo ng mga kasamahang bata. Pinagpag niya ang mga alikabok na dumikit sa kaniyang damit. Naawa naman ako sa kaniya, lalo na nang makita ang kaunting gasgas sa kaniyang tuhod. Agad naman silang umalis sa pwesto.

The Clockwork Romance (BL STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon