NAKADAPA si Cholo sa sofa. Gising pero inaantok pa rin ang mga mata. Nanatili lang siya sa puwesto, nakadapa, hindi gumagalaw, unti-unting huminahon ang pagwagayway ng kaniyang buntot.
Nandito kami ngayon sa apartment ni Ford. Napagdesisyonan namin kanina na magpapahinga muna rito bago pumunta sa concert.
Nang makitang nakapikit na ang mga mata ni Cholo ay nagpunta na ako sa kabilang dako ng sofa. Umupo ako at humarap sa malaking TV.
Lumabas mula sa kaniyang kuwarto si Ford. Naglakad siya at lumapit sa akin. Dahan-dahan siyang umupo at sinandal ang mga saklay sa sofa. Sumandal siya at umusog papalapit sa akin.
"Movie?" tanong niya. Tumango naman ako. Marami pa naman kaming oras bago ang concert so okay lang naman siguro. "Okay," nakangiti siya. "Anong gusto mo? Animation? Romance? Action? O baka naman gusto mo horr-"
"Anime," hindi ko na siya pinatapos. "Your Name."
Sumilay naman ang ngiti sa kaniyang labi. "Ford," mahina niyang sabi sabay tawa.
Ngumiwi ako. "Sira." Umiling ako at inirapan siya. Napaawang naman bahagya ang kaniyang bibig.
"Nagmamaldita ka na pala ngayon, Lix?"
Hindi ako sumagot. Tinaas ko ang isa kong kilay. Tumawa naman siya. Natawa na lang din ako. Hindi ako 'to.
"Sige, diyan ka lang po. Ireready ko na ang TV." Kinuha ni Ford ang dalawa niyang saklay.
"Ford, ako na, umupo ka nalang diyan."
Umiling naman si Ford at tumayo, gabay parin ng mga saklay. "No, Felix. Ako na. Kaya ko naman." Nakangiti siya sa akin. Tumango naman ako at naglakad na siya papalapit sa TV.
Napailing nalang ako. Independent person talaga itong si Ford. Nilibot ng mga mata ko ang sala ni Ford. Malinis, nakabukas ang mga bintana, maayos at organized ang mga gamit, malayo sa makalat kong kuwarto. Tiningnan ko ulit si Ford, na ngayon ay nireready ang pelikula. Namalayan ko nalang ang sariling bahagyang napangiti. He is always independent. Malapit na rin siyang mag-one year dito sa apartment niya.
Lumapit na ulit si Ford sa akin. Nakita kong kakasimula pa lang ng movie. Umupo na siya sa sofa at sinandal niya ulit ang mga saklay sa sofa. Mas lumapit pa siya ngayon sa akin.
Tinuon ko na lang ang atensyon sa TV. May kung anong kagalakan akong naramdaman nang maranig ang intro ng Your Name. Hinding-hindi talaga ako magsasawa sa movie na 'to. It's my favorite, na favorite rin ni Ford.
Ilang minuto pa sa movie ay naramdaman ko ang braso ni Ford sa aking balikat. Hindi ko naman din pinansin at tinuon ulit ang atensyon sa pinapanood.
Ilang minuto pa ulit ay naramdaman ko ang lalong pagdikit ng katawan ni Ford sa akin. Natigilan ako at unti-unting bumilis ang tibok ng puso. Tinanaw ko siya gamit ang sulok ng mga mata ko. Nakatingin lang siya sa unahan. Ilang sandali pa ay mula sa balikat, naramdaman ko ang kaniyang kamay na bumaba, unti-unting humahaplos ang mga malambot niyang daliri sa braso ko. Napabuntong hininga ako at nilabanan ang pag-init ng aking katawan.Nilingon ko siya. Nakatingin parin siya sa TV. Parang wala lang sa kaniya ang nagyayari ngayon. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang isa niyang kamay na kumalabit sa kamay ko. Kinuha niya ito at nilaro-laro. Lumunok ako. Hindi pa man nakaka 20 minutes ang movie pero nagtatrabaho na ang kaniyang mga kamay. At ang matindi, para lang wala sa kaniya. Sumagi sa isipan ko ang nangyari sa amin noon dito sa mismong kama, noong kakalipat niya palang dito. Yup, unang tira niya palang dito, tinira na niya ako. Sa pag-iisip ay naramdaman ko ang pagtigas ng aking ari. That's it, Ford. Gusto mo pala 'to ha.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...