"HANDA na ba kayong masaktan?"
Naghiyawan ang mga tao sa tanong ni Basil. Napailing nalang ako at tinanaw ang buwan na naghari na sa kalangitan. Itim na ang langit, lumalamig na ang hangin, lumalalim na ang gabi. Nagdatingan na ang mga tao para masilayan at sumali sa opening ng Dipag Festival dito sa open field.
"YES!"
Napatingin ako kay Ford. Todo cheer siya sa kaniyang kapatid. Napangiti na lang ako ng tipid pero bigla ring naglaho nang maalala naman ang nakita ko kanina. Si Dad. May relasyon ba sila ni Maam Lucy? Napailing ako, alam kong hindi imposible 'yun lalo pa't kanina ay mukhang masaya silang magkasama kasama ang batang lalaki. 'Yung bata kanina, anak ba siya ni Dad? Kapatid ko ba siya? Si Dad at ma'am Lucy? Gaano na katagal? Napikit ako ng marahan nang unti-unting gumapang ang init sa aking mukha. Before ba or after mawala si mama?
"Lix, okay ka lang?" Lumingon ako kay Ford. May pag-alala ang kaniyang mukha. Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti. Tinanguan ko siya. "Sure ka?" Mukhang hindi naman siya naniwala.Tumango nalang ulit ako at mas nilawakan ang ngiti.
Muli kong tinuon ang atensyon sa unahan. Nag announce pa si Basil ng una nilang ipeperform na kanta bago unti-unting tinabunan ng malakas na tugtog ang field. Winaksi ko nalang ang nasa isipan. Gusto ko na lang enjoyin ang performance ng grupo ni Basil.
Una silang nagpatugtog ng opm cover. Napangiti ako. Isa sa mga paborito ko. Awtomatikong nilingon ko si Ford, isa sa mga paborito namin. Nakatingin din siya sa akin. Nakangiti. Alam kong may naalala siya sa kantang 'to. Hindi pa rin nawala ang ngiti ko. Mas lalo pang lumapit ang katawan ko sa kaniya.
"Favorite song mo," sabi ko kay Ford.
Agad naman siyang umiling at tumawa. Natawa rin ako, lalo nang maalala ang kaniyang ginawa. Kinanta niya ito sa karaoke, sa birthday ko, noong nililigawan palang niya ako. And ang boses niya? Ibang-iba kay Basil. At most of the time, nawawala siya sa tono. Pinatawad ko naman siya, naintindihan ko siya, lasing siya noong gabing 'yun. I guess, 'yun ang isa sa mga rason kung bakit ko siya sinagot. Dahil napatawa niya ako. Napakilig ako sa confidence niya.
Ilang tugtog pa ay nagpasalamat na si Basil sa crowd bago umalis ang kaniyang banda. Pinalitan sila ng isang host. Nasa gitna ito ng entablado at may hawak na mic. Napatingin ako sa paligid. Dumarami na ang tao. Medyo siksikan na ang lugar."Are you guys ready for The Raven?!" Malagong boses ang sumaklaw sa field. Naghiyawan naman ang mga tao. Nakakabingi. Napasinghap ako. Muling tumunog ang mic. "But before that, let's give a warm welcome to our beloved Mayor! The one and only : Mayor Anabel Santiago!"
Natigilan ako, napasinghap. Sa paligid ng hiyawan ng mga tao, mas dinig ko ang pagtibok aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang biglaang pagkaba.
Inaabangan ng mga tao ang paglabas ng babae sa entablado. Pero wala. Walang mayor ang lumabas. Nanatili parin ang lalaki sa stage. Nakangiti ito. Any minute lang daw ay dadating na si Mayor.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unting may umalingawngaw sa kalangitan. May dumagundong. Tumingala ang lahat. Tumingin ako sa taas, napasinghap. Isang helicopter. Hiyawan ulit ang mga tao nang makita ang babaeng kumakaway, si Mayor Santiago. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maipaliwanag. Nakatuon lang ang aking mga mata sa sasakyan.
Nanatili ito sa taas namin. Dinig na dinig ko ang pag-ikot-ikot ng mga blades nito sa kalangitan. Napalunok ako. Hindi ko maiwasang mangilabot. Parang ilang saglit lang ay may mangyayaring masama. Hindi ko maipaliwanag.
Ilang minuto pa itong nanatili sa itaas, kumakaway si Mayor sa mga tao rito sa ilalim niya. Hiyawan pa rin ang mga tao. Ang iba nagpasalamat. Para siyang artista na nakabisita ng probinsya na binabati ng mga tagahanga. Ilang minuto pa ay unti-unti na itong umalis. Napabuntong hininga ako. Sa wakas. Umalis na ang sasakyan. Naghahanap siguro ng malulunsaran.
"Now! Are you guys ready for THE RAVEN?!" Announce ng lalaki at naghiyawan ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomantikA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...