NASUSUNOG. Ang katawan ko ay nasusunog. Nagliliyab ang apoy sa paligid, sa katawan ko. Pumapasok ang usok sa aking ilong diretso sa baga.
Napamulat ako. Awtomatikong tiningnan ang aking mga braso. Presko pa ito, hindi sunog. Napabuntong hininga ako. Akala ko totoo na, panaginip lang pala.
Kinusot ko ang mata para luminaw ang paningin ko. Bumangon ako at doon napadaing nang maramdaman ang kaunting pagbiyak ng aking ulo. Agad akong napahilot sa aking sentido.
Medyo madilim pa ang kuwarto ko. Hinanap ng mga kamay ko ang cellphone. Anong oras na ba? Ilang halukay pa sa mga unan at nakita ko na ito. Binuksan ko. 8:32. Bumuntong hininga ako. Maaga pa pala.
Muli kong binagsak ang katawan sa malambot na kama. Maaga pa kaya pinikit ko ulit ang aking mga mata. Maaga pa. Ilang saglit pa ay binuka ko ulit ang mga mata. Hindi na ako binalikan ng antok. Kinuha ko ang isang unan sa tabi at tinakip sa mukha ko. Hindi ako makahinga. Agad ko naman itong inalis at bumuntong hininga. Hindi na talaga ako patutulugin ng hang over na 'to.
Muli akong bumangon at tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Naka boxers lang pala ako ngayon. Hinaplos-haplos ko muna ang tela at ang medyo matigas na bagay sa likod nito. Bumuntong hininga ako at nilibot ang paningin sa paligid.
Napatingin ako sa mga kurtina, sa paligid, sa sahig at doon nakita ko ang nagkalat na mga damit, ang puting polo at itim na shorts na suot ko kagabi. Sa sahig hindi kalayuan sa aking kama ay naroon ang mga nagkalat kong shuttlecock at mga racket. Nasagi ko siguro ito kagabi? Bumuntong hininga ako. Mukhang kailangan ko muna ayusin ang mga 'to.
Tumayo na ako at muling nag-unat ng katawan. Kinuha ko ulit ang kumot sa kama at binalot sa katawan. Mahigpit para hindi kumawala. Una kong pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Nilagay ko ang mga ito sa basket. Sunod kong kinuha ang mga kagamitan ko sa badminton. Isa-isa ko itong inayos sa lalagyan. Nagpunta ako sa aking bintana at hinawi ang kurtina. Pagbukas ko sa bintana ay sinalubong ako ng yakap ng araw. Dumikit ang mga gintong ilaw sa balat kong hindi natakpan ng kumot.
Bumalik ako sa kama at umupo. Kinuha ko ang cellphone at nagplay ng opm songs. Pagkayari ay sumandal ako sa headboard. Magpapahinga muna ako bago maghilamos.
Ilang minuto pa sa pakikinig ng kanta ng Rivermaya ay naramdaman ko ang pagbigat ng aking pantog. Tinanggal ko na ang kumot at umalis na ako ng kama. Dinala ako ng mga paa sa pintuan ng kuwarto. Pagpasok ko ay agad na pinindot ang switch. Walang ilaw. Bumuntong hininga na lang ako. Brownout na naman siguro.
Nagtungo ako malapit sa bowl. Nilabas ko si Jr. mula sa aking boxers at umihi. Napapikit ako. Ang sarap sa pakiramdam. Nang makalabas ang huling ihi ay pinagpag ko ang aking titi at binalik sa loob ng aking boxers.
Pagkatapos kong magflush ay nagtungo ako sa maliit na sink. Pinihit ko ang gripo at nagsilabasan ang preskong tubig. Naghugas at sabon ako ng kamay. Habang nagbabanlaw ay napatingin ako sa salamin. Napangiti ako, gwapo. Pero napangiwi ako sa nakitang natuyong laway.
Dinikit ko ang aking dalawang palad at sumalo ng tubig. Sinaboy ko ito sa aking mukha. Kumuha ulit ng tubig at sinaboy ulit sa mukha. Napatingin ako sa salamin. Oh gwapo na, walang flaws.
Hinaplos ko ang aking pisngi. Doon naglakbay ang aking mga daliri sa aking marka. Napangiti ako. Ito talaga ang nagbibigay kagwapohan sa akin. Biglang sumagi sa isip ko si Ford. May ganito rin siya na sure akong tinatakpan ng boxers niya ngayon.
Natigilan ako nang maramdaman ang pagtigas ng bagay sa loob ng aking boxers. Bumuntong hininga ako. Ilang saglit pa ay hinaltak ko pababa ang aking suot na boxers. Kumawala naman ang matigas ko nang ari. Tinaas baba ko ito ng paulit-ulit.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...