14. FELIX

55 7 0
                                    

NAGHARI na ang buwan sa gitna ng kalangitan. Itim na ang langit. Lumalamig na ang ihip ng hangin sa aking balat. Tanging mga nakakasulaw lang na lights sa stage at sa gilid nito ang nagbibigay ilaw dito sa open field ng Dipag Boulevard.

Unti-unting nagdatingan na ang mga tao rito. Makikita sa kanilang mga mukha ang excitement, ang kagalakan na makitang magperform ang isa sa mga pinakamalaki at sikat na banda ngayon sa Pilipinas, ang The Raven.

Nakatayo kami ngayon ni Ford ilang metro ang layo sa entablado. Isa rin si Ford sa mga taong excited dito. Kanina pa kami rito. Kakatapos lang naming kumain mula sa food court at dumiretso na kami rito.

Sumasabay ang crowd sa local band na nagpapatugtog ngayon. Nakatitig lang ako sa kanila. Ilang sikat na opm songs ang kanilang kinocover. Ilang sandali pa ay awtomatikong nagtaas baba ang ulo ko nang marating sa tainga ang kanta ng Rivermaya. Napangiti ako ng kaunti. Nilingon ko si Ford. Nakangiti rin siya.

"Kung pwede lang tumalon," malakas na boses niyang sabi.

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

Ilan pang announcements at mga presentations ang lumipas nang matawag na ang bandang Wild Child. Hiyawan ang mga mga tao, mostly teenagers. Todo hiyaw din ang lalaking nasa tabi ko. Todo suporta sa kaniyang kapatid.

Una kong nakita ang paglabas ni Basil. Siya ang may hawak na microphone. Nilingon ko ulit si Ford. Nakangiti parin siya. Naroon ang excitement at kagalakan niya.

"Good evening, Dipag City!" Muli kong tinuon ang atensyon sa unahan. Nasa center si Basil, hinahype ang mga tao. Nakita kong nakahanda na ang kaniyang mga kasamahan.

"Handa na ba kayong masaktan?"

Natigilan ako. Rinig ko ang mga hiyawan ng mga high schooler.

"YES!" sumama ang hiyaw ni Ford sa sigawan ng mga teenager.

Napailing ako. Handa ka na pala?

Muli kong tinuon ang atensyon sa unahan. Nag announce pa si Basil ng una nilang ipeperform na kanta bago unti-unting tinabunan ng malakas na tugtog ang field.

NAGPASALAMAT si Basil sa crowd bago umalis ang kaniyang banda. Pinalitan sila ng isang host. Nasa gitna ito ng entablado at may hawak na mic. Napatingin ako sa paligid. Dumarami na ang tao. Medyo siksikan na ang lugar.

"Are you guys ready for The Raven?!" Malagong boses ang sumaklaw sa field. Naghiyawan naman ang mga tao. Nakakabingi. Napasinghap ako. Muling tumunog ang mic. "But before that, let's give a warm welcome to our beloved Mayor! The one and only : Mayor Anabel Santiago!"

Natigilan ako, napasinghap. Sa paligid ng hiyawan ng mga tao, mas dinig ko ang pagtibok aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang biglaang pagkaba.

Inaabangan ng mga tao ang paglabas ng babae sa entablado. Pero wala. Walang mayor ang lumabas. Nanatili parin ang lalaki sa stage. Nakangiti ito. Any minute lang daw ay dadating na si Mayor.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unting may umalingawngaw sa kalangitan. May dumagundong. Tumingala ang lahat. Tumingin ako sa taas, napasinghap. Isang helicopter. Hiyawan ulit ang mga tao nang makita ang babaeng kumakaway, si Mayor Santiago. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maipaliwanag. Nakatuon lang ang aking mga mata sa sasakyan.

Nanatili ito sa taas namin. Dinig na dinig ko ang pag-ikot-ikot ng mga blades nito sa kalangitan. Napalunok ako. Hindi ko maiwasang mangilabot. Parang ilang saglit lang ay may mangyayaring masama. Hindi ko maipaliwanag.

Napalaki ang mata ko. Biglang may sumabog. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. kasabay ang pagsabog ng puso ko. Tila nakapako ako sa kinatatayuan ko. bumubulusok ang saksakyan paibaba. Nagliliyab ang mata ko. Hindi ako makagalaw. Tila nangyari na 'to dati pero hindi ko maipaliwanag. Lumiliyab na ang kalangitan. Pabagsak sa ibaba at doon dumilim ang paligid.

The Clockwork Romance (BL STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon