UNTI-UNTING nang naghahari ang buwan sa gitna ng mga ulap. Kanina pa nakalubog ang araw. Lumalamig na ang ihip ng hangin na dumadampi sa balat ko. Siguro dahil iyun sa dagat na hindi kalayuan dito sa Boulevard open field.
Unti-unting nagdatingan ang mga tao rito. Makikita sa kanilang mga mukha ang excitement, ang kagalakan na makitang magperform ang isa sa mga pinakamalaki at sikat na banda ngayon sa Pilipinas, ang main event ngayong opening ng Dipag Festival, ang The Raven.
Well, there songs are okay. Hindi nga lang ako fan ng mga sad songs.
Nakatayo kami ngayon ni Ford ilang metro ang layo sa entablado. Medyo awkward. Tahimik lang kami. Wala niisa sa amin ang nagsasalita ngayon. Well, actually small talk lang kami kanina habang kumain sa kainan dito sa Dipag Boulevard. Siya ang nagbayad dahil naiwan ko ang aking wallet.Sumasabay ang crowd sa local band na nagpapatugtog ngayon. Nakatitig lang ako sa kanila. Ilang sikat na opm songs ang kinocover nila. Ilang sandali pa ay awtomatikong nagtaas baba ang ulo ko nang marating sa dalawang tainga ko ang kanta ng Rivermaya. Napangiti ako ng kaunti. Tinanaw ng sulok ng mga mata ko si Ford. Mukhang nakangiti rin siya. Well, pareho kaming Rivermaya fan. Ang mga kantang Rivermaya lang siguro ang hindi ko pinagsasawaan.
Hindi ko mapigilan ang sarili na lingunin si Ford. Nagtama ang aming mga mata. May ngiti ang kaniyang mga labi, ngiting mapait. Natigilan ako. Unti-unti kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko. Ako na ang unang umiwas ng tingin. Nakagat ko ang ibabang labi. Bakit ako nakakaramdam ng panghihinayang ngayon?
Ilan pang announcements at mga presentations ang lumipas nang matawag na ang bandang Wild Child. Hiyawan ang mga mga tao, mostly teenagers. Una kong nakita ang paglabas ni Basil. Siya ang may hawak na microphone. Nilingon ko bahagya si Ford. Nakangiti parin siya pero ngayon hindi na mapait. Nakatuon ang atensyon ni Ford sa kaniyang kapatid. Napangiti naman ako ng bahagya.
"Good evening, Dipag City!" Muli kong tinuon ang atensyon sa unahan. Nasa center si Basil, hinahype ang mga tao. Nakita kong nakahanda na ang kaniyang mga kasamahan.
"Handa na ba kayong masaktan?"
Natigilan ako. Rinig ko ang mga hiyawan ng mga high schooler.
Lumunok ako at napalingon kay Ford. Natigilan ako. Nakatingin din siya sa akin. Tangina.
Muli kong tinuon ang atensyon sa unahan. Nag announce pa si Basil ng una nilang ipeperform na kanta. Nakahinga ako ng malalim. Unti-unti nang tinabunan ng malakas na tugtog ang atmosphere na namamagitan sa amin ni Ford.
UMALIS at nagpasalamat na ang bandang Wild Child. Pinalitan sila ng isang host. Nasa gitna na ito ng entablado at may hawak na mic. Napatingin ako sa paligid. Dumarami na ang tao. Medyo siksikan na ang lugar. Mas napalapit ako sa katawan ni Ford. Ilang inches lang ang pagitan namin."Are you guys ready for The Raven?!" Malagong boses ang sumaklaw sa field. Naghiyawan naman ang mga tao. Nakakabingi. Muling tumunog ang mic. "But before that, let's give a warm welcome to our beloved Mayor! The one and only : Mayor Anabel Santiago!"
Natigilan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang biglaang pagkaba.
Puno ng hiyawan ang mga tao sa paligid, inaabangan ang paglabas ng babae sa entablado. Pero wala. Walang mayor ang lumabas. Nanatili parin ang lalaki sa stage. Nakangiti ito. Any minute lang daw ay dadating na si Mayor.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unting may umalingawngaw sa kalangitan. May dumagundong. Tumingala ang lahat. Tumingin ako sa taas. Saglit na napalabas ang hangin mula sa aking bibig. Isang helicopter. Hiyawan ulit ang mga tao nang makita ang babaeng kumakaway, si Mayor Santiago. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maipaliwanag. Nakatuon lang ang aking mga mata sa sasakyan.
Nanatili ito sa taas namin. Dinig na dinig ko ang pag-ikot-ikot ng mga blades nito sa kalangitan. Napalunok ako. Hindi ko maiwasang mangilabot. Parang ilang saglit lang ay may mangyayaring masama. Hindi ko maipaliwanag.
Napalaki ang mata ko. Biglang may sumabog. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. kasabay ang pagsabog ng puso ko. Tila nakapako ako sa kinatatayuan ko. bumubulusok ang saksakyan paibaba. Nagliliyab ang mata ko. Hindi ako makagalaw. Ito na ba ang katapusan ko?
Dumilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
Storie d'amoreA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...