MALAMIG na hangin ang dumampi sa aking mukha habang naglalakad sa sementong daan. Nandito kami ngayon ni Ford sa Dipag Boulevard, naglalakad sa seawall, pinapalipas ang oras. Kakatapos lang naming ihatid si Cholo pauwi ng bahay.
Maraming kaming nakakasalubong sa daan. Mga batang naglalaro, naghahabulan, nagmamaneho ng bike, may mga magulang man o palaboy ay nagkalat dito.
May mga magkapamilya dito, kumakain ng street foods. May mga magbabarkadang sa tingin ko ay teenager pa. Naghihiyawan, nakaupo sa gilid ng seawall o kaya naman sa mga bench. Hinihintay ang paglubong ng araw at hinihintay ang event mamayang gabi.
Walang nang mga sasakyan ang dumadaan ngayon sa boulevard. Kanina pa kasi sinarado ng mga pulis ang daan. Nag-iinspect sila sa entrance, nagbabantay upang masiguradong safe ang event mamayang gabi. Sa pag-iisip ay hindi ko maiwasan ang kaba. The more na mag-isip ako ay mas lalong tumibok ang puso ko. May parang kung anong bumubulong sa akin na may mangyayari mamaya.
Nawaksi ang aking pag-iisip nang biglang may tumamang liwanag sa aking mukha. Isang camera flash. Natigilan ako. Nilingon ko si Ford. May ngiting tipid sa kaniyang mukha. Hawak niya ang kaniyang phone. Binaligtad niya at pinakita niya ang litrato ko. Parang humupa naman ang takbo ng dibdib ko.
"Parang ang lalim ng iniisip mo." Nakatuon ang tingin niya sa screen ng kaniyang cellphone. Nakita kung zinoom niya ang litrato. Lumawak naman ang ngiti niya. "Look, ang gwapo mo parin ng boyfriend ko kahit stolen." Tumawa siya at pinakita ang picture kong nakazoom.
Kumurba naman ng kaunti ang labi ko. Yup, tama naman siya.
"Halika rito, may story ako para sa'yo." Nakita ko si Ford na dumaan sa gilid ko at nagtungo sa gilid ng seawall. Natigilan ako. Ayan na naman siya sa mga kuwento niya.
Gumawa ako ng ilang hakbang at tumabi sa kaniya. Nakatayo na kami sa gilid ng seawall. Nakatingin sa malawak na dagat. "Halika upo tayo." Ngumiti si Ford sa akin.
Tumango ako at inalayan ko siya sa pag-upo. Nilapag niya ang dalawang saklay sa gilid niya, sa semento. Umupo naman ako at tumabi sa kaniya. Nakalaylay na ang aming mga paa. Ilang puldaga lang taas ng mga ito mula sa mga pinong buhangin sa ibaba. Tiningnan ko ang paligid. Gaya namin, ay mayroon ding nakaupo sa gilid ng seawall.
Tinanaw ko ang dagat sa harapan. Kasing bughaw nito ang kalangitan. Pero kumpara sa mga ulap, mas agresibo ito. Malakas na sumasampal ang alon nito sa mga pinong buhangin sa dalampasigan. Sumasalpok at umaatras pabalik. Sasalpok. Aatras. Paulit-ulit. Napaisip ako. Palagi kong sumasagi sa isipan ko. Ano kaya ang kwentong mayroon ito? Ang dagat, ang mga pinong buhangin, ang boulevard na ito."You heard the story of Felipe?"
Napatingin ako kay Ford. Nasa dagat ang kaniyang tingin. Parang nabasa niya ang isip ko. "Hindi pa, sinong Felipe?" Ang tanging sagot ko lang pero sa kailaliman ng utak ko ay naglalaro ang ngalang Felipe. Familiar. Palagi kong naririnig pero it's odd, hindi ko maalala kung saan at kailan ko narinig.
Lumingon siya sa akin. "Dito. 'Yung lalaking palaging nalulunod dito." Mukhang hindi siya makapaniwala sa akin. "It's a famous story, Felix."
"'Namatay ba siya rito?"
Natigilan naman agad ako sa tanong ko.
Noon kinikilabutan ako tuwing magkukwento tungkol sa patay, pero ngayon puno na ng kuryusidad ang buong kaluluwa ko.
Tumawa si Ford. "Hindi. Ang lover niya ang namatay dito."
Hindi ako umimik kaya nagsimula siyang magkuwento. Tumingin siya ulit sa bughaw na dagat. "Palagi itong kinukwento ni Lolo sa'kin noong elementary pa ako. Which is odd cause he's also a Felipe."
BINABASA MO ANG
The Clockwork Romance (BL STORY)
RomanceA BL TIME LOOP STORY. Felix is determined to break up with Ford, convinced that eight months is his limit. But time, a mischievous puppeteer, has other plans. Trapped in a relentless loop of the same day, Felix relives his decision, over and over, c...