Prologue

491 4 0
                                    

Kilala ako bilang anak mayaman. Akala nila na dahil anak mayaman ako nagagawa ko lahat ng gusto ko, na maswerte ako dahil naging mayaman ako. Hindi nila alam na gusto ko mabuhay ng normal, yung kumakain ng mga street foods, nagco commute at namamasyal ng walang asungot.

Ako si Stella Ana Ramona Gervacio. Stella for short, anak ni Don Emilio at Donya Ramona Gervacio. May kapatid ako si Eliza Mariel Gervacio.

Nung nasa highschool ako, nalaman ko na ko naka plano na pala ang future namin. Kung sino yung mapapangasaw namin, sinabi ko kay daddy na ayaw ko magpakasal sa taong hindi ko mahal. Ang sabi nya matutunan lang daw namin mahalin yung taong pakakasalan namin at maiintindihan namin kung bakit nya ginagaw yun.

Nang nasa college na ako, nagpakasal ang ate ko sa lalaking ipinagkasundo sa kanya. Likas na masunurin ang kapatid ko, sihuro totoo yung sa pamilya may isang black sheep at ako yun.

Umalis ako sa amin, nagtrabaho ako para matustusan ang pag aaral ko. Lumipat din ako ng paaralan.

Doon ko nakilala ang lalaking nambibwisit sa buhay ko.

Si Timothy Sanchez.

Begging for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon