Stella's POV
Kahapon hindi ako nakapasok dahil pagtatayo ako nahihilo ako. Hindi ako nakatulog dahil lumilipad yung isip ko kahit saan.
Naglalakad na ako papunta sa school. Naging okay na rin ang pakiramdam ko.
Nang makapasok ako, aakyat na sana ako pero may humarang sa daraanan ko.
"Hi, miss. Lagi kitang napapansin na dito dumaan."
I rolled my eyes.
"Malamang dito ang daan papunta sa room ko."
"Ihahatid na kita." Hahawakan nya sana ako pero tinabig ko ang kamay nya.
"No, thank you. Alam ko kung saan ako pupunta."
Manhid ba tong lalaking to? Ang gwapo pero walang modo.
"By the way, Charlie." Nilahad nya yung kamay nya pero hindi ko tinangap.
Tiningnan ko lang yun at ng hindi ko talaga inabot yung kamay ko ay ibinaba nya na yun.
"Excuse me pero malelate na ako."
Aakyat na sana ako pero hinawakan nya ako.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako."
"Alam mo ang ganda mo pero ang sungit mo."
"Alam mo, gwapo ka sana pero ang bastos mo at ang bobo mo. Hindi mo ba naiintindihan? I dont like talking to you."
Nakita ko kung paano nabuo yung galit sa mga mata nya. Hinigpitan nya yung paghawak sa braso ko. Pinilit ko na alisin yun dahil nasasaktan na ako pero napakalakas nya.
"Bitawan mo sya Charlie." Nilingon ko yung nagsalita, si Timothy.
"Oh, your knight and shining armor. Alam mo, napaka arte ng babaeng to. Ikaw nga hindi pinatulan."
Pumiksi ako at napabitaw sa kanya.
"Gago ka ba? Hindi ako pumapatol sa taong basagulero lalong lalo na sayo na walang inisip kundi manggulo."
Hinila ako ni Timothy at itinago sa likod nya.
"Pahinga ka muna Charlie, nakakapagod makipag away sayo ngayon."-timothy
"Ang yabang mo ah." Nagulat ako ng sinuntok ni Charlie si Timothy.
Ano ba to ang aga aga may away.
"Ano ba tigilan nyo nga yan." Pero ayaw talaga makinig sa akin dahil nagpalitan na sila ng suntok.
Hinarang ko yung sarili ko sa kanila pero napakabilis ni Charlie kaya ako yung nasuntok nya sa tyan.
"Stella?"-timothy
Halos mawalan ako ng ulirat sa sakit. Pero tumalungko lang ako at hinihintay na mawala yung sakit. Napaiyak ako ng hindi pa rin nawala yung sakit.
Ang huli ko na naalala ay may bumuhat sa akin.
Nagising ako ng may humahaplos sa buhok ko. Nilibot ko yung paningin ko bago tiningnan kung sino yung humahaplos sa buhok ko.
Si Timothy.
May pag alala sa mga mata nya.
"Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Okay na ako. Hindi na pareha kanina na parang hihiwalay yung kaluluwa ko." Nginitian ko lang sya para mawala yung pag aalala nya.
"Sorry, pati ikaw nasaktan ng dahil sa akin."
"Paparusahan na naman ba tayo?"
"Hindi, si Charlie lang."
Tumango ako at tiningnan yung mukha nya. Hinawakan ko yung mga pasa nya. Napalayo sya pagkahawak ko.
"Naipagamot mo na ba yan?"
"Tapos na. Hindi naman masyadong masakit."
"Thank you."
"For what?"
"For always protecting me. Kahit hindi maganda yung unang pagkakilala natin."
"I already told you this, I love you and i will protect you."
Tinitigan ko sya at ngumiti lang ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit minahal nya ako kahit hindi pa nya ako gaano ka kilala.
"Umalis na tayo dito. Mas lalo akong nahihilo sa paligid ko."
Tinulungan nya akong makatayo at lumabas na kami.
Hindi ako nakapasok sa morning class ko. Kaya sa hapon na ako papasok. Pumunta muna kami sa canteen at kumain.
Wala akong pakialam sa mga mata na sumusunod sa amin.
Nakita ko si Erika at umupo ako sa tapat nya.
"Ako na ang kukuha ng pagkain mo." Tumango lang ako.
Nakita ko yung nanunudyong tingin ni Erika.
"Tigilan mo ako."
"Bagay naman kayo ah."
"Erika."
"Okay fine. Ano bang nangyari? Sumali ka daw sa bugbugan nila ni Charlie."
"Hindi inawat ko lang sila. E nasuntok ako ni Charlie kaya ayun buong umaga nasa clinic ako."
"Ahhhh.. o sya dalian mo at malapit na magsimula ang klase."
Dumating na si Timothy na may dalang pagkain. Kahit hindi ko gusto kumain dahil masakit pa ang tyan ko pinilit ko nalang ang sarili ko.
Nang matapos ay tumayo na ako at nagsimula na ng maglakad ng may humawak sa kamay ko.
Si Timothy.
Babawiin ko na sana yun pero bumulong sya.
"Lets stay like this." Hindi nalang ako nagsalita.
Kahit pinagtitinginan na kami ng mga babae hindi pa rin sya bumitaw.
Dati naiinis ako paglagi ko syang nakikita but now, i love his presence.