Chapter 24

157 2 0
                                    

Stella's POV

Tinawagan ko si Erika at tinanong kung saan nakatira si Timothy.

Kaya nandito ako sa bahay nya. Kanina pa ako nagdo doorbell pero walang bumubukas. Umupo nalang ako sa may hagdanan.

Susuyuin ko sya hanggang mapatawad nya ako. I will never give up on him.

Napatayo ako ng may sasakyang dumating. Lumabas si Timothy dun at may kasama syang babae.

Parang kinurot ang puso ko ng kumawit ang babae sa braso nito.

"T-Timothy, can we talk?"

Sinabihan nya ang babae nya pumasok muna.

"What do you want?"

"Please makinig ka muna sa akin. Alam ko na nasaktan kita.. pero just give me time to explain."

"Why are you doing this Stella? I just hope hindi ka nalang bumalik."

Tatalikod na sana sya pero hindi ko hinayaan makaalis ulit.

"Hindi lang naman ikaw ang nasaktan ah. Kung akala mo madali sa akin ang ginawa ko nagkakamali ka...Ilang beses kung pinilit ang sarili ko na manatili sayo.. pero hindi ko kakayanin na masira ng tuluyan yung pamilya ko. Hindi ko sinabi sayo dahil natatakot ako na hindi mo maintindihan. Alam ko na hindi mo ako pababalikin sa amin lalo na pagnalaman mo na ikakasal ako sa iba."

Kahit sinabi ko sa sarili ko na hindi ako iiyak, tumulo pa rin yung luha ko.

"So you are married now? Ano pa ang ginagawa mo dito?"

"Hindi natuloy yung kasal.. Gusto kita balikan after noon pero things became more complicated.. hindi ako makakaalis hangga't hindi pa naging okay yung parents ko."

Ngumiti sya ng mapait. "Umalis ka na Stella."

"H-Hindi mo na ba ako mahal?"

"Masaya na ako ngayon, ngayon na wala ka sa buhay ko."

Nanghihina na yung mga tuhod ko at yung mga luha ko ay ayaw tumigil sa pagtulo.

Naglakad ako palapit sa kanya, pero lumalayo sya sa akin.

Nang makalapit na ako ng tuluyan sa kanya ay hinawakan ko ang pisngi nya.

Tinitigan ko sya sa mga mata nya kahit nanlalabo na yung tingin ko.

"I-I'm so sorry to cause to much pain on you. Thank you... dahil kahit nawala ako naging masaya ka... Hindi mo hinayaan ang sarili mo na maging malungkot...Hindi mo man ako tuluyang mapatawad ngayon.. I know someday you will, maghihintay ako na dumating ang araw na yun. Mahal na mahal kita.. kahit hindi mo na ako kayang mahalin. Alam mo, kung kaya ko lang isulat ang ending natin..alam mo kung ano ang isusulat ko?... Sana tayo pa rin."

Niyakap ko sya kahit pinapalayo na nya ako.

Humiwalay ako sa kanya at lumakad papunta sa sasakyan ko.

Pinaandar ko yun at huminto sa malayo. Isinubsob ko ang mukha ko sa manibela at doon umiyak ng umiyak.

Nagawa ko na ang lahat, hindi ko gustong ipilit ang sarili ko sa taong ayaw na sa akin. Tama na nasabi ko na sa kanya lahat lahat, pati ang nararamdaman ko. 

Kinaya ko namang maging masaya sa loob ng dalawang taon, kakayanin ko rin ngayon. Kahit alam ko na mas mahirap ngayon.



Begging for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon