Chapter 3

170 5 0
                                    

Stella's POV

Nang makapasok ako sa campus ay tinitingnan na naman ako ng mga tao kaya hinanda ko na ang sarili ko kung ano na naman ang pinaplano ng lalaking yun. Wala talaga syang magawa sa sarili nya kaya pati ako binubwesit nya.

Nang naka pasok na ako sa classroom ay napakatahimik ng mga kaklase ko, nakapagtataka.

Umupo ako sa tabi ni Erika at nagtanong.

"Anong meron, bat napakatahimik?"

"Hindi ko rin alam."

Napabuntong hininga nalang ako.

Nang biglang pumasok si Timothy at nilapitan ako, sinundan sya ng tingin ng mga kaklase namin.

Tumaas lang ang kilay ko ng hindi sya nagsalita.

Yumuko ako para magbasa pero hinila nya ako para tumayo. Nagulat ako ng hinalikan nya ako, napalaki yung mata ko. Kahit kailan hindi pa ako nahalikan ngayon pa at sa lalaki pang ito.

Tinulak ko sya at napalayo sa sa akin kaya agad ko syang sinuntok sa mukha. Yun ang naabutan ng teacher namin.

"Stella!"-Mrs. Rodriguez, ang English teacher namin.

Tiningnan ko sya pero naramdaman ko na sumakit yung kamay ko kaya tiningnan ko yun. Namumula na ang mga yon. May sugat na rin sa labi ni Timothy.

"Both of you to the deans office, now!!"- Mrs. Rodriguez

Pareho kaming nakaupo sa harap ng dean. Gusto ko ng tirisin ang mga mata nya sa galit.

"What happened?"-dean

"Sir, sinuntok nya ako, kababaeng tao nanununtok."

"Sir, tama rin ba na halikan nya ako? Kahapon din sir pinagkakalat nya yung pictures ko."

Natahimik sya ng pinaningkitan sya ng mata ng dean.

"Both of you should face the consequences. Linisin nyo lahat ng classroooms sa building na ito. Walang uuwi hanggat hindi nyo natatapos linisin yun. You will do that for 2 weeks."

"Sir, may trabaho po ako after class."

"I don't care Stella, sana inisip mo yan before you punched him. Makalalabas na kayo."

Gosh, wala na akong kakainin sa panahon na yan. Gusto ko umiyak. Naglakad na ako palayo kay Timothy pero sinundan nya ako.

"Bakit parang malungkot ka? Dapat nga matuwa ka, lahat ng babae gusto akong makasama."

"Pwede ba! Hindi ako katulad nila! Alam mo ba kung ano ang mawawala sa akin ng dahil sa punishment na yan?!" Sinigawan ko sya kaya nabigla din sya. Napaiyak na rin ako. "Wala akong makakain ng ilang araw dahil wala akong trabaho. Dapat sa oras na yan nagtatrabaho ako. Lumipat ako sa school nato dahil gusto ko ng katahimikan na hindi mo ibinigay sa akin. Ganun ba kalaki ang galit mo sa akin ha?!"

Tinalikuran ko na sya, kailangan ko pa mag isip ng sulosyon sa problema ko.

Timothy's POV

Hindi naman ako nambubully ng babae e. Wala lang naman sa akin yung ginawa ni Stella pero gusto ko na lagi akong lumalapit sa kanya.

Kanina hindi ko mapigilan na hindi sya halikan. Tahimik lang syang tao pero pag ginalit mo, she will really kick your ass.

Pero ng makita ko sya na umiiyak makikita mo sa kanya yung lungkot na may takot sa mga mata nya.

"Dude, training na." Tawag pansin sa akin ni Jeff. Tumango lang ako bilang sagot.

Tiningnan ko yung daan kung saan tumatakbo palabas si Stella.

Babawi ako sa kanya.

Begging for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon