Chapter 16

112 4 0
                                        

Stella's POV

Hindi ko na tinapos ang laro. Pinuntahan ko ang daddy ko sa opisina nya. Hindi pa sana ako papasukin ng secretary nya.

Binuksan ko ang pinto ng opisina nya. Napataas ang tingin nya ng makita ako.

"D-Dad?"

"What are you doing here?"

"S-si mommy-"

"Wag mong hanapin ang taong nagtatago."

"Dad, minahal nyo ba talaga si mommy? Kami?"

Tinitigan nya lang ako ng masama. Hindi pa rin sya nagsasalita.

"Iniisip nyo ba kung ano yung makakapasaya sa amin?"

"Hindi pa ba sapat ang yung gusto ko na maranasan nyo ang kaginhawaan?"

I may not understand my father now, but I know someday I will.

"Dad, please find mom, kahit sya nalang dad. She loves you so much, I hope you feel the same way too."

Tumayo ako at lumabas agad.

Hindi ko gusto na makita ng daddy ko na nanghihina ako.

Kinalma ko ang sarili ko.

Pagdating ko sa coffee shop, nakita ko nakaupo si Timothy sa dati nyang pwesto.

Lumapit ako kaagad sa kanya.

"Hi." Bati ko sa kanya.

Tumayo sya at niyakap ako.

"Where have you been? Hinanap kita after sa game."

"May pinuntahan lang ako."

"Babe, may problema ba?"

"W-wala. Umuwi ka nalang sana para makapagpahinga ka."

"I'm good. I miss you so much. Ilang araw din kitang hindi nakikita. Namiss mo rin ba ako?"

"Oo naman, hindi lang kita inistorbo kasi baka hindi ka maka focus."

He smiled at me.

"Go to work now." At binulungan nya ako. "I love you."

Nang makapasok ako sa loob nakasalubong ko si Erika.

"Stella, hinahanap ka ni sir."

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam, parang galit."

Nagbihis ako at pumunta sa opisina ng boss namin.

"Sir hinahanap nyo daw ako?"

"Stella, bakit hindi mo sinabi na anak mayaman ka?"

Natulala ako sa sinabi nya, paano nya nalaman yun.

"Sir, hindi nyo naman po kailangang malaman."

"Someone came here, her name is Dina. Sabihin ko raw sayo ang pangalan nya. She wants you out in this shop dahil kung hindi pababagsakin ako ni Don Emilio Gervacio."

Hindi ako makapaniwala sa ginawa ng daddy ko.

"Naiintindihan ko po kung papaalisin nyo ako. Sorry to cause to much trouble sir."

"Stella, I'm sorry i know you have reasons. I wanted to help you but I need to think of my business also, this is my life."

Tumango lang ako. I really understand him. Sa ginagawa ng daddy ko mas lalo syang gumagawa ng rason para magalit ako sa kanya.

"Salamat po sa pagtanggap sa akin dito." Pagkasabi nun ay lumabas na ako.

Pagdating ko sa banyo. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Naiyak ako ng makita ko yun. Nakakaawa akong tingnan. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko for the past few months.

"Stell?"si Erika.

Pinahid ko ang mga luha ko.

"Narinig mo ba?"

Tumango lang sya bilang sagot.

"Nahihirapan na ako Erika. Naaalala mo ba yung kinuwento ko sayo? Ako yun. Hindi ko gustong bumalik sa amin dahil hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal. Ngayon kinukuha ng daddy ko yung buhay na sinimulan ko."

"Maybe all you ever need is to finish what your father started. Kahit anong pilit mong paglimot ay hinahabol ka parin ng past life mo. Hindi ko sinasabi na magpakasal ka. Go home, leave with your father."

"Paano si Timothy?"

"Sabihin mo sa kanya kung gusto mo. Stella, marami kang choice, isipin mong mabuti kung ani ano ang tama."

Niyakap ko sya at sa balikat nya ako umiyak ng umiyak.

Pagkatapos ko ng ayusin ang sarili ko ay umalis na ako.

Naglalakad na kami ni Timothy pero hindi pa rin sya nagsasalita.

Nang makarating ako sa dorm ko papasok na sana ako pero pinigilan nya ako.

"May problema ba?"

"Wala naman."

"Stella, pagmay problema pag usapan natin."

"Its not about us Timothy. Sorry pati ikaw naaapektuhan."

Niyakap nya ako. Pinipigilan ko ang mga luha ko.

"I'm always here for you." Bulong nya sa akin.

Humiwalay na ako sa kanya.

Nagpa alam na rin sya.

Sinundan ko sya ng tingin.

Tama si Erika, may choice ako. Pwede ko sabihin sa kanha ang totoo o pwede ding hindi.

Natatakot ako na saktan sya. Pero mas natatakot ako na hindi ko na sya makita.

Pumasok ako sa loob pero sinalubong na ako agad ng may ari

"Stella, may sasabihin ako sayo."

"Ano po yun?"

"Hindi ka na pwedeng tumira dito. May nakabili na ng property namin."

Sa pagkakaalam ko hindi naman for sale yung property nila.

"Ganun po ba? Sige maghahanap po ako bukas ng malilipatan."

"Pasensya ma Stella ha, pero kailangan nyo ng umalis ngayon din."

Napatanga ako, saan ako matutulog ngayong gabi.

Kahit pagod na ako, sumang ayon nalang ako sa may ari.

Narinig ko na nag uusap ang pamilya nya tungkol sa buyer. Halos umusok yung ilong ko ng marinig ko ang pangalan ng secretary ni daddy, si Dina.

Inimpaki ko lahat ng gamit ko at ng matapos ay nagpaalam na ako.

Ito na yung kinatatatakutan ko, wala akong mapuntahan.

Tinawagan ko si Erika. Sinabi ko sa kanya ang nangyari, pumayag naman sya na sa kanya muna ako ngayong gabi.

Iniipit na ako masyado ng daddy ko. Naiinis ako kasi kahit ginaganito nya ako mahal ko pa rin sya.

Begging for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon