Chapter 19

128 4 0
                                    

Stella's POV

I'm not going to regret what happened to us tonight. Ito ang babaunin ko pag alis ko.

Nakatingin lang ako kay Timothy ngayon. Napakahimbing ng tulog nya.

Kanina pa ako mahinang umiiyak sa tabi nya.

Kailangan ko ng umalis. Tinawagan ko kanina si Erika, I need to see her.

Dahan dahan akong tumayo at nagbihis.

Kumuha ako ng maliit na papel at nagsulat doon.

" Mahal na mahal kita, alam ko na magagalit ka sa akin pero kailangan ko tong gawin. Lahat ng ipinaramdam ko sayo totoo. Please don't try to find me. Go with your dreams."

Hindi pa rin tumitigil ang pagtulo ng luha ko.

Kinuha ko na ang maleta ko at lumabas.

Nang nasa ibaba na ako iyak pa rin ako ng iyak.

Pumunta ako sa tagpuan namin ni Erika.

Nilapitan nya ako kaagad at niyakap.

"Stella, sigurado ka na ba?"

"I need to fix my life, my family. Hindi ako magiging masaya lalo na at may nasasaktang tao ng dahil sa akin."

"Si Timothy?"

"Wala akong sinabi sa kanya. Erika.. ang sakit sakit.. ngayon ko lang naramdaman na may nagmahal sa akin pero sya pa ang nasaktan ko ng labis.

"Tahan na. kung sa tingin mo ito ang tama, go for it."

"Mas mabuti na kalimutan ako ni Timothy na may galit."

"Stella, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sayo o kay Timothy after this. I hope that everything is going to be fine."

"Thank you. Kung magtanong man sya sayo, pwede mo sabihin sa anya ang totoo."

"Go.. i wish you well."

Yumakap ako ng mahigpit sa kanya.

Tama si erika, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari sa akin pag uuwi ako sa amin.

But I need to fix my family.

I cant sacrifice my moms happiness over mine. I know dad loves my mom hindi nya lang maamin dahil my hang ups pa sya sa past nya.

I hope everything is worth it.





Begging for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon