Stella's POV
Naglalakad na ako papunta sa school ng may humintong sasakyan kaya napahinto rin ako.
Lumabas yung nasa sasakyan.
Ang mommy ko.
"Ma, bakit kayo nandito?"
"Stella please get in the car."
"Whats wrong?"
"Stella please." Nakita ko yung lungkot sa mga mata nya. Pumasok ako sa loob ng kotse.
Pumasok na rin sya, tumahimik sya sandali.
"I left your dad."
"Bakit? May nangyari po ba?"
"He was so mad to your ate. He found out that your sister is pregnant but not with William. He hurt your sister badly... nakakadepress.. i'm your mother but it seems like i didnt do anything for the both of you.."humagulhol sya ng iyak.
"Ma, I'm sorry"
"No, i'm sorry anak. I love your dad so much and i'm so scared to against every decision he made..dahil baka eewan nya tayo.. i want you to understand your father.. he love someone else, inarrange marriage din kami.. pero mahal ko sya."
Niyakap ko ang mommy ko. Alam ko mahirap para sa kanya na iwan si daddy, pero ina sya. Naiyak na rin ako.
I have to make a decision.
"Ma, just give me time. Dont give up on dad."
Lumabas na ako sa sasakyan. pinipilit ko na ikalma ang sarili ko. ang bigat sa pakiramdam ko na nakikita ang mommy ko na umiiyak.
Nang makarating ako sa school sinalubong ako ni Erika.
Nakita ko yung pag aalala sa mata nya.
"May nangyari ba?"
"Wala naman."
"You cant hide it. Namumugto ang mga mata mo?"
Kailangan ko ng taong makikinig sa akin ngayon. Wala akong malabasan ng sama ng loob.
"Alam mo, halika ka. Isigaw mo lahat ng sakit na nararamdaman mo."
Hinila nya ako at dinala sa football area, naglalaro ang theme ni Timothy.
Sumigaw si Erika kahit wala namang nangyari sa laro. Kaya pinagtitinginan sya ng mga tao.
"Gayahin mo ang ginawa ko. Swear magiging magaan ang pakiramdam mo."
Siguro mamaya na pagnag simula na ang laro."
"Come on"
Sumigaw sya uli, wala syang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya.
Tiningnan nya ako.
Bahala na, kailangan ko lang talagang ilabas ang sama ng loob ko.
Huminga ako ng malalim at sumigaw ng napakamalakas.
Nang mapansin ko na sa akin na naman nakatingin ang mga tao.
Tumakbo ako palabas at dumiretso sa banyo.
Umiyak ako ng umiyak. Kailangan ko ng balikan ang buhay na naiwan ko. Dahil kahit ano pa ang gawin ko na paglimot bumabalik pa rin sya.
Timothy's POV
"Anong problema ng mga yun?" tanong ko kay Jeff.
Ilang araw ko din hindi nakikita si Stella dahil naging busy ako sa training.
"Ewan ko nahawa siguro sa kaibigan nya."
Binalik ko nalang ang atensyon ko sa paghahanda sa laro.
Mamaya kakausapin ko na rin si Stella.
I miss her so much.
