Timothy's POV
Sigurado ako sa nararamdaman ko para kay Stella. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Ngayon lang ako nagcacare sa isang babae.
I want to see her everyday. Kaya nga sa araw maliban sa subject na magkaklase kami ay hindi ako nagpapakita sa kanya. Kontento na ako na nakikita sya sa malayo kesa mag usap kami na laging naging nag aaway.
Hindi ako natatakot masaktan. Sa ngayon hindi ko iniisip yung mga reasons kung bakit ako masasaktan.
Nasa hallway ako, nakita ko sya na paparating. Nang makita nya ako ay umiwas sya ng tingin.
Mamaya ko nalang sya kakausapin. Ayaw ko rin naman e pressure sya.
"Dude, nakikinig ka ba?"-Michael
"Ano nga yun?"
"Ewan ko sayo dude, wala ka na naman sa sarili mo. Hay! Inlove ka na nga. Dyan ka na nga."
Iniwan nya lang ako. Kahit ako naninibago sa sarili ko.
Dati okay lang naman sa akin na malate. Pero ngayon gusto ko maaga ako sa school.
Stella's POV
Kanina pa ako hindi mapakali. Malapit na ang last subject ko, iniisip ko na magkikita na naman kami ni Timothy.
Nahihiya pa rin ako sa kanya pagkatapos ng usapan namin kahapon.
Nang matapos ang klase mas lalo akong hindi mapakali.
Bahala na, last week na rin naman to.
Umakyat na ako at pumunta sa room na lilinisin ko. Nang makita ko na wala pa si Timothy, nagmamadali akong naglinis.
Malapit na akong matapos ng marinig ko ang mga ingay ng kaibigan nya.
Inarrange ko yung mga upuan. At lalabas na sana ako ng bumangga ako kay Timothy.
Hinawakan nya ako sa balikat para hindi ako tumumba.
Ang awkward, grabe!
"L-lilipat na ako sa kabila. Tapos na ako dito." Nag stutter pa talaga ako ha.
Binitiwan nya ako para makalakad ako.
Sumunod lang sya sa akin. Nagsimula akong maglinis at ganun din sya.
Nang matapos, lumabas ako sa room. Sa coffee shop nalang ako magbibihis.
Hindi pa ako nakakalayo ng may humawak sa braso ko. Tiningnan ko kung sino, Si Timothy.
"Ihahatid pa rin kita. Hihintayin din kita. Okay lang na hindi mo ako kausapin. Hindi ako mag sosorry sa sinabi ko dahil sincere ako dun."
Tumango lang ako. Nahihiya ako sa kanya. Nag iba rin yung feelings ko sa kanya. Dati galit ako sa kanya pero ngayon lumambot ako.
Naglakad kami papunta sa coffee shop. Nandun pa si Erika na parang na bobored.
Nang makita nya ako lumiwanag yung mukha nya.
"Ang aga natin ah. Buti nalang girl, wala talaga akong makausap."
"Bakit hindi mo kausapin yung mga katrabaho mo?"
"Duhh, wala akong ka amor amor sa kanila. Ikaw naman ang pumunta kay sir. Naaalibadbaran na siguro yan. Kanina ko pa inaalok ng kape."
Tumango ako. Kinuha ko yung pot na may lamang kape.
"Sir, coffee?"
Ibinaba ng customer yung dyaryo na binasa nya.
Nanlaki ang mata ko sa gulat. How did he find out that I'm working here.
Si daddy.
"D-dad."
"Sit down."
"Dad, wag ngayon. Nagtatrabaho ako."
"Babayaran ko ang oras mo."
"Some other time dad."
"Excuse me." Nagulat ako ng tinawag nya ng pansin yung manager namin.
Napatingin na rin si Erika at timothy sa akin.
"Yes, sir?"-manager
"Can you excuse her-"
"Lets talk outside, sir." Pinutol ko na yung sasabihin nya bago magkabukingan.
Lumabas kami ng shop.
"Get inside."
"No, alam ko na once pumasok ako dyan mapapahamak ako."
"You are such a disappointment Stella. Lumipat ka pa talaga ng paaralan, ipinamumukha mo ba sa akin na kaya mo na talagang mabuhay?"
"Yes, dad all my life, its the first time na naramdaman ko na malaya ako. Na kaya ko palang mabuhay na hindi dinadala ang pangalan mo."
Halos mabingi ako sa sampal nya. Its the 2nd time. Tumingin ako sa loob ng coffee shop. Napatayo si Timothy at napalapit sa glass wall si Erika.
"You havent prove anything. Anong ipinagmamalaki mo? Na nag aaral ka sa cheap na paaralan? One day babalik ka rin sa akin. Pagsisihan mo lahat ng naging desisyon mo."
"That one day dad will never happen."
Siguro kung nakakamatay ang titig kanina pa ako nakahandusay dito. Tinabig nya ako. Sumakay sa sasakyan at umalis.
Tulad ng nangyari nun pag alis ko sa bahay namin, umupo ako sa gilid ng daan at umiyak ng umiyak.
Wala akong pakialam kong may mga taong nakatingin sa akin.
Masama ba na hanapin ko yung kasiyahan ko? Na sundin ko kung ano yung sa tingin ko ay tama.
Napahagulhol ako lalo ng may yumakap sa akin.
Hindi sya nagtanong, hinagod lang nya yung likod ko.
Nang mahimasmasan ako. Tumayo na ako.
"S-salamat."
Bumalik ako sa loob. Kinausap lang ako ng manager ko na magday off muna.
Pumayag na rin ako since hindi ko kayang magtrabaho ngayon.
Hinatid ako ni Timothy sa dorm. Hindi rin sya nagtanong. Mas mabuti na rin yun kasi hindi pa ako handang magshare tungkol sa buhay ko.
Mas naging mahirap para sa akin ngayon dahil alam na ng daddy ko kung saan ako nag aaral. Baka ipa kick out nya ako sa school o baka kausapin nya yung manager ng pinagtatrabahuan ko na e fire out ako.
Sana mali lahat ang iniisip ko. Kasi hindi ko talaga alam kung saan ako pupulutin pag mangyari yun.