Stella's POV
Naglalakad na ako papunta sa school. Mabibigat ang bawat hakbang ko dahil inaantok pa talaga ako.
Pagdating ko sa room namin, tumabi ako kay Erika at yumuko. Matutulog muna ako, wala pa naman yung teacher namin.
Buti nalang hindi ko classmate si Timothy dito since major subject ko to.
Naramdaman ko na tumayo si Erika pero di ko pinansin dahil gusto ko matulog.
Nang makabalik sya tinapik nya ako.
"Girl."
Umungol lang ako.
"Girl."
Hinawi ko yung buhok ko na sinadya ko na itakip sa mukha ko.
"Ano?" May pagkainis na tanong ko sa kanya.
"Inumin mo daw to para mawala ang antok mo."
Tiningnan ko yung hawak nya. Kape yun.
Kumunot ang noo ko, "Kanino galing yan?"
"Kay Timothy, para ka daw papel na naglalakad kanina. Kaya inumin mo daw para magising ka."
Ininom ko nalang yung dahil kailangan ko naman talaga ng pangpagising.
Nagsimula na ang klase ko. Nagsunod sunod na rin yun kaya nawawala na rin ang antok ko.
Nang maglunch break, pumunta kami agad sa canteen.
Inilagay namin yung gamit at nang aalis na kami para kumuha ng pagkain ay may humarang sa akin.
Si Michael, kaibigan ni Timothy at ka teammate nya rin.
Iiwas sana ako pero sinundan lang yung bawat pag iwas ko.
"Ito daw kainin mo sabi ni Timothy."
Nilibot ko yung paningin ko pero hindi ko nakita si Timothy.
Tiningnan ko yung pagkain na dala nya. Adobong manok yun.
"Sorry, hindi ako kumakain nyan."
Napanganga sya.
"Bakit? Masarap naman to."
"Vegetarian ako."
"Huh? Naku! Stella, magskip ka muna ito muna kainin mo. Please!"
"Bakit ba?"
"Magagalit si Timothy sa akin pag di mo to kinain."
"Alam mo, naglalaway ako sa dala mo." Napangiti sya sa sinabi ko. "Pero mas kailangan ng katawan ko ng gulay ngayon. If you like you can eat that."
Tinalikuran ko na sya. Anong magagawa ko, gulay ang hinihingi ng katawan ko.
Nang bumalik ako sa upuan namin, nandito pa rin si Michael.
"Michael, hindi ko kakainin nyan. Ikaw nalang kumain nyan. Di ako magsusumbong dun sa kaibigan mo."
Ngumiti sya at kinain naman agad yung dala nya.
Gutom na rin naman pala sya.
Nasaan kaya si Timothy at nagpadala pa ng tauhan dito. Siguro natutulog sa tabi tabi.
Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako agad sa third floor. Mabuti nalang wala kaming klase sa last period.
Tiningnan ko yung relo ko, maaga pa naman kaya okay lang na malate na naman si Timothy.
Pinuntahan ko yung first room. Nagtaka ako ng may nakita akong football player dun na may dalang walis.
Inisa isa ko yung classroom mas lalo akong nagtaka na nandun yung ibang football players na kanya kanyang hawak ng walis.
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa isa sa kanila.
"Training." Tumaas ang kilay ko sa sagot nya.
"Kailan pa naging training nyo ang paglilinis ng classroom."
"Ngayon lang."
Imbes matuwa ako, nanggagalaiti ako sa inis. Si Timothy ang may gawa nito.
Pumunta ako sa 2nd floor at hinanap ko si Timothy dun at nakita ko sya sa pinakadulong room.
"Why are you doing this?"
Lumingon sya sa akin.
"Part ng training namin to."
"Talaga? E bakit kayo lang ng mga barkada mo ang nakikita ko? Saan yung iba mong teammates?"
"Look, gusto ko matapos tayo ng maaga kaya nagpatulong ako sa kanila. Wala naman silang gagawin kaya pumayag na din sila."
"Naaawa ka sa akin kaya ginagawa mo to. Sasabihin ko sayo na kaya ko naman, kaya wag ka na magpatulong sa kanila."
"Okay lang naman Stella. Its not a problem."
Lumingon ako ng sabay nagsalita ang mga kaibigan nya. Bumalik ang tingin ko kay Timothy.
"Fine, pero atleast give me 2 rooms to clean."
"Sure, tulungan mo ako dito, din sa next room naman tayo."
Magsasalita pa sana ako pero itinaas nya yung kamay nya.
"Wag ka ng magreklamo kasi wala ng vacant na room para linisin mo."
Bumuntong hininga nalang ako.
Kumuha ako ng walis at nagsimula ng magwalis.
Walang nagsasalita sa amin hanggang matapos na kami.
Nagbihis na ako at nagmamadaling umalis. Nagpasalamat ako dahil hindi na ako hinintay ni Timothy.
Lumabas ako sa gate.
"Lets go?" Nandito pa pala sya. Hinarap ko sya.
"No, maaga akong uuwi ngayon so wag mo na akong ihatid at hintayin. Kaya ko ang sarili ko okay? Umuwi ka na."
Napa atras ako ng dumukwang sya.
"Hihintayin kita sa ayaw at sa gusto mo."
Umayos ako at naglakad. Bahala sya sa buhay nya, sya lang naman ang nagpapa hustle nun e.
Basta hindi ko sya pinilit, nakakapagod din makipagtalo sa taong to.