Chapter 9

114 2 0
                                        

Timothy's POV

Hindi ko alam kung saan nanggaling si Stella. Kung anong pamilya sya meron.

Galit ako sa taong nanakit sa kanya. Tinigilan ko na nga ang pang bubully sa kanya dahil ayaw ko sya na nasasaktan.

Kung yun ang papa ni Stella, napakasama nya dahil walang magulang na gustong saktan at ipahiya ang anak sa harap ng maraming tao.

Stella, dont deserve that kind of treatment. Alam ko na mabait sya deep inside. Kailangan nya lang maging matapang dahil sarili lang nya ang maaasahan nya.

Stella is like an angel. Napakaamo ng mukha nya, lagi ko syang tinitigan sa malayo. Ibang iba sya pag nakaharap sya sa mga tao.

I will protect her sa mga taong gusto syang saktan.

Kanina pa ako sa school, naka pwesto ako kung saan laging dumadaan si Stella. Malapit ng magsimula ang klase namin pero hindi pa sya dumadating.

Pumasok nalang ako sa loob at dun ko sya hihintayin.

Nagsimula na ang klase pero wala pa rin sya.

Nang matapos ni lapitan ko si Erika.

"Nasaan si Stella?"

"Ay nagtext sya kanina. Hindi daw sya makakapasok dahil ni lagnat daw sya."

"Pahingi ng number nya."

"Sorry pero private yung ginamit nya, hindi naka register yung number. Sige ha una na ako."

I want to see her, hindi kompleto ang araw ko paghindi ko sya nakikita.

Begging for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon