Stella's POV
Umuwi ako sa amin na samang sama ang loob.
Madaling araw na pero hinintay parin ako ng ate ko.
Pinilit ko ang sarili ko maging masaya pero ng makita ko na malungkot ang mukha ng ate ko ng makita ako.
Bumigay na rin ako at napaupo sa sahig.
"He hates me so much. I tried to explain but he said it was to late. Ate ng makita ko sya, gusto ko syang yakapin."
"Stella, you tried your best for him to understand your situation but he doesn't allow you. You already talked to him, maybe its time for you to forget him and give yourself a chance to be happy again."
"Ate, kahit kailan hindi sya nawala sa isip ko. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin sya."
"Anong gagawin mo?"
"Gagawin ko ang lahat mapatawad nya lang ako."
"Oh God, Stella. I'm so sorry... pag napagod ka na sa pagsusuyo sa kanya just give up okay?"
Tumango ako sa kanya.
Umakyat ako sa taas, gusto ko ng magpahinga, naghihina na ako.
Timothy's POV
Pinagalitan ako ni Erika sa ginawa ko kay Stella.
"Ano ba naman Timothy, ni hindi mo man lang binigyan ng chance yung tao para makapaliwanag."-Erika
"Ayaw ko ng marinig yung paliwanag nya. Nasaktan na ako."
"Sa tingin mo sya hindi nasaktan? Ni hindi mo nga alam yung pinagdaanan nya."
Tiningnan ko sya ng may pagtataka. Napalaki rin yung mata nya ng marealized nya na mas nasabi sya.
"You know something?"
"W-wala ah!"
"May alam ka, bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Alright I know everything. She had a choice okay, its either her family or ikaw. Masama na ba ngayon piliin ang pamilya? Nahirapan sya magdecide nung panahon na yun. Nasira ng tuluyan yung pamilya nya ng umalis ang mommy nya sa kanila. She told me sabihin ko sayo ang lahat, pero hindi ko ginawa dahil gusto ko sa kanya manggaling.
Naalala mo yung intrams natin na sumisigaw kami? Nilabas nya lahat ng sama ng loob nya dun. God, Timothy, dapat alam mo sa sarili mo na mahal na mahal ka nya."
"bakit hindi nya sinabi sa akin?"
"Bakit hindi mo itanong sa kanya? Galit kasi pinaiiral mo kaagad."
Tinalikuran nya ako, yung mga lalaki na nakikinig sa usapan namin hindi din nakapagsalita.
Alam nila lahat ng pinagdaanan ko, sila din ang kasama ko sa paghahanap kay Stella kahit di namin alam kung saan sya hahanapin.
Pinilit ko na kalimutan sya. Akala ko hindi na sya babalik. Nasasaktan pa rin ako tuwing naiisip ko na iniwan nya ako ng basta basta nalang.