Stella's POV
Hindi naman masyadong maraming tao sa shop. Gumagabi na rin kasi.
Si Timothy hindi pa rin umaalis, hindi ko naman pwedeng ipagtabuyan dahil umuorder rin naman sya. Naiinis lang ako dahil lagi nya akong sinusundan ng tingin.
Nang may pumasok ay agad ko yung nilapitan.
"Hi maam, good evening. Can I take your order?"
Nang tiningnan ko sya nagulat ako, pero sya nakangiti lang. Hindi ko sya agad nakilala dahil nakatalikod sya at napakaikli ng buhok, ang ate Eliza ko.
"W-what are you doing here?"
"Paying you a visit."
Nginitian ko sya. Umorder sya, since wala namang customer ay nag usap kami.
"Stell, I know you're not used to this job baka bumigay ang katawan mo."
"Ate, I will used to it. Please wag ka na bumalik dito. No one knows who I am. I prefer to hide my real identity dahil baka mahanap ako ni daddy, kung hinahanap nya ako."
"I just want to see you. Wala akong makausap sa bahay, dahil laging out of the country si William. Don't ask if I'm happy, because I don't know either."
"Are you mad at me because I disobey our parents?"
"No, of course not. I'm happy kasi hindi ka matutulad sa akin. We are so different, matigas ka kasi. Pag ayaw mo ayaw mo talaga, unlike me..laging nauunahan ng takot."
"Ate-"
"Don't be sorry, do what you think that can makes you happy. Always remember na nandito lang ako for you. I know nahihirapan ka. Look at you, you look so tired."
Yumuko ako at umiyak. I can't hide anything from her, mula pagkabata lagi nyang nababasa kung ano yung nasa isipan ko. She is my bestfriend. Hindi ako nakipaglapit sa iba, because I always believe that people around me are the people who will pull me down.
"Stell, please be brave. I know you can make it." Pinahid ko ang luha ko at tiningnan ko sya. Umiiyak na din sya. Yumakap ako sa kanya para gumaan din ang pakiramdam ko.
Nagpaalam na sya sa akin at hinatid ko na sya sa labas. Papasok na sana ako ng hinarangan ako ni Timothy. Nandito pa rin pala sya.
"Lets go home."
"Umuwi ka na. Hindi ko naman sinabi na hintayin mo ako."
"Pagod ka na. Nanglalata ka na at ano mang oras bibigay na yang katawan mo. Ihahatid na kita."
Pagod na ako, ayaw ko nang makipagtalo sa kanya. 2am na rin kaya kailangan ko ng umuwi.
Kinuha ko na yung mga gamit ko sa loob at naiwan sa labas si Timothy.
Timothy's POV
Nang makita ko si Stella na umiiyak habang kausap yung babae na siguro kapatid nya dahil magkamukha sila naawa ako sa kanya. Alam ko may problema sya na pilit nyang tinatago.
Sa mga kilos nya at pananalita alam ko na hindi sya mahirap.
Lumabas na sya at nagsimulang naglakad papunta sa dorm nya.
"Wag mo na akong ihatid, baka ma out of the way ka pa."
"Okay lang dun din naman ang dorm ko."
Tumahimik lang sya.
"Bukas wag ka nalang maglinis, ako nalang magpapatulong ako sa mga kaibigan ko. Magtrabaho ka nalang."
Tiningnan nya ako ng masama.
"Naaawa ka ba sa akin? Hindi naman dapat, sanay akong magtrabaho."
"Iniisip ko lang na makauwi ka ng maaga."
"Wag kang maging mabait, di bagay sayo."
"Stella, I'm sorry na pati ikaw nadamay sa kalukuhan ko."
"Nangyari na, kahit umayaw ako wala akong magagawa."
Huminto sya tapat ng gate. Sa tingin ko dun sya nakatira, parang hindi safe para sa kanya na dun tumira.
"Nandito na ako, umuwi ka na."
Magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na nya ako.
Masyado syang mailap sa mga tao sa paligid nya. Sa school si Erika lang ang kinakausap nya.
Manhid lang ang hindi makakaramdam na may mabigat syang dinadala.
Masyado bang mabigat yung nararamdaman nya para hindi magtiwala.