Stella's POV
Buti nalang pumayag yung may ari ng shop na mag graveyard ako. Alam ko na mahihirapan ako lalo na at maaga ng pasok ko. Pero kakayanin ko, madali lang naman yung 2 weeks.
Lunch break na, kasama ko si Erika papupunta sa canteen.
Nang makahanap kami ng pwesto, inilagay namin ang mga gamit at pumunta sa counter.
Nang makabalik kami, agad kaming kumain.
"Pwedeng maki share?"-timothy
Argh, that voice. Nakakainit ng ulo.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ang dami pa namang vacant ah.
"Hindi pwede maghanap ka ng iba."
"No, ano ba Stell, okay lang sige upo kayo."-Erika
Pinandilatan ko sya dahil nagpapacute sya sa mga teammates ni Timothy.
"Nang iinis ka ba? Pwede naman siguro bigyan mo ako ng isang araw na peace of mind?"
Nagtatakang tiningnan nya ako.
"Masyado ko na bang ginugulo ang isip mo?" Ngumisi pa sya pagkasabi nun.
Tumayo ako at kinuha ko ang sandwich at naglakad. Hindi pa ako nakakalayo ng may bumuhos ng tubig sa ulo ko.
"Masyadong maiinit ang ulo mo. You know what girl, you are so lucky because Timothy talks to you." Hindi ako nakapagsalita sa pagkabigla, agad namang dumalo ang mga taong naiwan ko.
"Stella, are you okay?"-Erika
Nahimasmasan ako at hinarap ko ang babae na bumuhos sa akin ng tubig, nakataas pa ang kilay na nakatingin.
"Do you really think that I like the way he annoys me? Yes, napaka annoying nya at hindi ako natutuwa. Hindi ko alam kung bakit sa akin ka nagagalit. Dapat nga sa kanya because he is paying to much attention to me."
Tiningnan ko si Timothy, may hawak syang juice. Nilapitan ko sya at kinuha ko yun at nilapitan ko yung babae.
"Since na may punishment na rin ako..lulubusin ko na. Wag masyadong selosa girl. Cool ka lang." Inabot ko sa kanya yung juice, ng magtangka syang kunin yun. Itinaas ko at ibunuhos ko sa ulo nya.
Napa "oooh" ang mga tao sa paligid namin.
"Fair enough, bitch!"
Alam ko na mabait ako, pero hindi ako mabait lalo na sa taong hindi worth it.
Akala siguro nila gusto ko yung panggugulo sa akin ni Timothy.
Hindi pa rin ako nakakaget over sa nangyari kanina. Unang araw namin sa punishment. Nandito na ako sa 3rd floor, yun ang pinaka last na floor. Naka pagdecide ako na dito ako unang maglilinis para hindi na ako magpabalik balik pa.
Nagsimula na akong maglinis kahit ala pa si Timothy, sayang ang oras.
"Hinintay kita sa ibaba, akala ko dun tayo magsisimula."
Naibagsak ko yung upuan at tumama yun sa hita ko. Nagulat ako dahil may nagsalita.
Nakita nya ang nangyari kaya nilapitan nya ako. Nanggaling pa siguro sya sa training dahil basa pa sya ng pawis at naka uniform.
"Sorry, nagulat kita. Okay ka lang?"
Napakunot ang noo ko, himala yatang hindi nya ako iniinis ngayon. Mas mabuti na rin yun kaysa magbangayan kami, walang trabahong matatapos sa amin.
"Okay lang ako. Dito na ako nagsimula para hindi na ako umakyat uli mamaya."
Tumango tango lang sya bilang sagot.
"Sige tulungan na kita."
"Wag na. Lets clean a room individually para madaling matapos."
Lumabas na sya at tinapos ko na rin ang ginagawa ko.
Lima lang ang rooms sa mga building na ito. Nasa ikatlong room na ako at si Timothy nasa pangalawa na.
Sumasakit na rin yung balikat ko, sanay naman ako maglinis pero ang magbuhat hindi. Ang bibigat ng mga upuan.
Pinuntahan ko sya sa room na nililinisan nya. Kumatok ako dun para makuha ang atensyon nya.
"Pagkatapos mo dyan puntahan mo ako sa second floor."
Aalis na sana ko ng magsalita sya.
"Tapos ka na?"
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Oo kaya nga baba na ako. Bilisan mo dyan."
Lumakad na ako.
Nakakapagod din pala ang maging janitor, kahit dalawa kami napagod din ako ako.
Gabi na ng matapos kami. Nagmamadali akong pumasok sa banyo at nagpalit ng damit, nagmamadali ako para makapasok na ako sa trabaho.
Lumabas ako ng banyo pero nabangga ako sa kung sino.
Tiningnan ko kung sino, si Timothy lang pala at nakangiti sya sa akin.
"Wag mo akong asarin, nagmamadali ako." Naglakad ako palayo sa kanya, pero sinundan nya ako.
"Ihahatid na kita."
Hindi ko na sya pinansin nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero naka sunod pa rin sya.
"Nasaan ang mga magulang mo?"
"Nasa malayo?"
"Wala kang kapatid?"
"Meron."
"Nasaan?"
"Nasa bahay nya." Huminto ako at nilingon ko sya.
"Bakit ang dami mong tanong. Umuwi ka na at mag aral."
"Nope, hihintayin kita hanggang matapos ang shift mo."
"Bakit?"
"Ihahatid kita."
"Marunong akong umuwi." Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pagdating ko sa coffee shop naabutan ko pa si Erika. Tapos na ang shift nya kaya nagpaalam na sya.
I love my life right now, kahit mahirap kinakaya ko. Na chachallenge ako sa mga nangyayari. Sana makayanan ko hanggang sa makatapos ako.