Stella's POV
"Next year ang kasal naman ni Stella ng pagplanuhan natin."-daddy
"Nag aaral pa si Stella, Emilio."-mommy
"Alam ko, pagkatapos ng kasal papasok pa rin sya."-daddy
Naririnig ko ang usapan nila mommy at daddy sa dining room. Nang hindi ako makapagpigil pumasok ako.
"Dad, sinabi ko na sa inyo na hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal."
"Stella!"-mommy
"Ano bang inaayaw mo Stella, ginagawa lang namin to para sa inyo."
"No dad, ginagawa nyo to para sa inyo. Iniisip nyo kung papaano hindi bumagsak ang negosyo nyo."
"Para sa inyo rin naman yung negosyo ko ah. Ang ate mo hindi nagrereklamo bakit hindi ka tumulad sa kanya?"
"Hindi ako sya dad, hindi ko kayang magpakasal sa taong hindi ko mahal. Wag nyo ng ipilit."
Sinampal nya ako, halos mabingi ako sa lakas. Nakita ko rin ang pagkagulat sa mukha ni mommy pero hindi sya nagsalita.
"Hahayaan nyo lang ba si daddy sa ginagawa nya ma? Iniisip nyo ba ang kaligayahan namin? Hindi ako magpapakasal kahit kanino. Kung ang pag alis ko lang dito ang rason para makawala ako sa kasunduan nyo gagawin ko."
Tatalikod na sana ako ng magsalita si daddy.
"Pag aalis ka, wala kang maaasahan sa amin kahit isang kusing. Kakalimutan ka namin bilang anak namin. At pagtumapak ka sa labas ng bahay na to siguruhin mo na hindi ka na babalik."
Nagtuloy na ako sa pag akyat ng hagdanan. Narinig ko pa si mommy na tinawag ako. Agad akong nag empaki, dinala ko lang yung importante. Napaupo ako sa kama at umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin.
Pero mas mahihirapan ako pagmag papakasal ako. Ayaw ko makulong sa isangrelasyon na walang pagmamahalan.
Kinuha ko ang maleta ko at lumabas ng kwarto. Pagdating ko sa baba nakita ko si mommy na umiiyak. Nilapitan nya ako.
"Stella anak, please don't go sundin mo nalang yung sinasabi ng daddy mo."
"Ma naging masaya ba kayo kay daddy? O pinipilit nyo lang yung sarili nyo na ipakita sa amin na masaya ka? Ayaw ko maging katulad nyo. I'm sorry ma."
"Umalis ka na. Napakawala mong kwentang anak."
Hindi na ako sumagot at lumabas na ako ng bahay. Nang makalayo ako, napaupo ako sa kalsada at humagulhol.
Hindi ako tutulad sa mommy at ate ko na handang e sakripisyo ang kasiyahan para sa yaman. Mas gugustuhin ko pa na maging matandang dalaga kaysa magpatali sa isang relasyon na walang pagmamahalan.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Hindi ko alam kung saan pupunta pero sumakay ako ng taxi.
Kinabukasan inasikaso ko yung paglipat ko ng paaralan. Lumipat ako sa St. Joseph University, ganun pa rin yung kurso ko, education. Ang alam ng parents ko business ad yung kinuha ko. Nung bata pa kasi ako gusto ko ng maging guro. Nung highschool nagtuturo ako ng mga bata sa kalye. Walang nakakaalam sa ginagawa ko maliban sa ate ko.
"Hi, transferee ka?"
"Oo, hinahanap ko yung room ko."
"Ano bang room mo?"
"13C, alam mo ba yun?"
"Ay oo, dun din ang punta ko. Halika ka na sabay na tayo. Ako pala si Erika."
"Stella." Nakipagkamay sya sa akin.
Okay naman magturo yung mga teacher dito, hindi boring at napaka well discipline pa ang mga student di tulad sa old school ko na okay lang sa guro na yung estudyante nila hindi nakikinig sa kanila.
Nang matapos ang klasi agad akong lumabas pero sumunod si Erika sa akin.
"Hoy, bakit ka nagmamadali? May lakad ka?"
"Oo e, maghahanap ako ng part time job."
Napapitik sa mga daliri nya, "Perfect, naghahanap ng waitress yung pinagtatrabahuan ko. Willing ka ba?"
"Oo naman, saan ba?"
"Malalakad lang natin, isa syang coffee shop, yung Tea Pot, nakita mo yun?"
Umiling lang ako, siguro na daanan ko na yun.
"Nako halika na dali." At hinila nya ako. Sa pagmamadali namin ay may nabunggo ako at natumba sya.
"Nako pasensya na di ko sinasadya." Aalis na sana ako ng magsalita sya.
"Wow, ganun lang yun? Sa susunod wag kang patanga tanga, tumingin ka sa dinadaanan mo."
Aba't ang angas ah. Hinarap ko sya.
"Humingi na ako ng pasesnsya diba? Bakit galit ka pa?"
"Hindi mo ba ako kilala?" Nilapitan nya ako. Nakatingin lang yung ibang estudyante sa amin pati si Erika.
"Hindi, sino ka ba?"
"Ako lang naman si Timothy, ngayon miss kilala mo na ako. Humingi ka ng paumanhin sa akin."
"Ginawa ko na yon kanina at binastos mo lang ako. Kaya ngayon ikaw ang humingi ng paumanhin sa akin."
Ngumisi lang sya, tiningnan ko sya. Gwapo sana pero walang modo.
"And it seems like you don't know me too. I'm Stella, by the way." Pagkasabi nun ay tinalikuran ko na sya.
Hinila ko si Erika na nakanganga lang. Unang araw ko napapalibutan na ako ng bad vibes.