Stella's POV
Last day na ng punishment namin. Pero sa hindi naman ako nahihirapan dahil pagkatapos nung nasuntok ako ginawa na akong baldado ni Timothy.
Ayaw nya na tumulong ako. Kahit man lang pag arrange ng mga upuan.
Since last day na, tutulong na ako sa ayaw at sa gusto nya.
Inunahan ko na sya sa classroom na lilinisin namin.
Agad akong kumuha ng walis at nagsimula. Mayamaya narinig ko na ang mga kaibigan nya na paparating.
Nang makita ko sya binati ko sya kaagad.
"Hi." Ngiting ngiti ako dahil naisahan ko sya.
"Di ba sabi ko wag ka ng maglinis."
"Ano ka ba? Kasama ako sa punishment nato since last day na natin hayaan mo na ako."
"Hindi pwede."
"E bakit ba?"
"Basta hindi pwede."
"Alam mo Timothy naiinis na ako sayo. Hayaan mo kaya ako, wala na rin namang masakit sa akin."
Tiningnan nya ako at tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Fine, just arranged the chair. Ako na ang magwawalis."
Ngumiti ako ng napakatamis sa kanya. At nagsimula ng maglinis.
Nang matapos ay nagpasalamat ako sa mga kaibigan nya.
Naglalakad na ako papunta sa coffee shop ng mapansin ko na nakasunod pa rin si Timothy sa akin.
Nilingon ko sya at napalingon din sya sa likuran nya.
Napangiti ako dahil nagpapaka inosente sya.
"Alam mo, umuwi ka na wag mo na akong ihatid at hintayin."
Nilapitan nya ako.
"Please hayaan mo ako na gawin to. I just want to keep you safe."
"Hay nako bahala ka nga."
Nanghintay talaga sya hanggang sa matapos yung shift ko.
Hinatid nya ako pauwi. Nang nasa harapan na kami ng dorm ko ayaw nya pa rin umalis.
"Ano ba? Alis na."
"Ayaw."
"Bakit?"
"Hindi tayo magkikita bukas. Gusto ko munang titigan ka."
"You know what go home and get some rest."
Tatalikod na sana ako pero pinigilan nya ako.
"I love you."
Pagkasabi nun ay umalis na sya. Napangiti ako sa ginawa nya.
"I love you too." Alam ko na narinig nya yung sinabi ko dahil napalingon sya. Pumasok ako kaagad bago nya naman ako mapigilan.
Yes, I really do love him. Hindi ko masabi ang mga dahilan kung bakit mahal ko sya. The only thing i know is that I love him, period....
Maaga akong nagising. Humarap ako sa salamin dati yun ang una kong ginagawa pagka gising ko.
Nakita ko na lumalalim na yung mata ko. Namamayat na rin ako.
If my mom will see me now, i know maiiyak sya. I really miss her, but i have to sacrifice.
Nagtuloy na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis at lumabas para kumain.
Naglakad na ako papunta sa school.
Nang nasa hallway na ako, nagulat ako ng may humila sa akin at dinala ako sa maintenance room.
"Hoy, ano ba?" Tiningnan ko kung sino yun. Pinigilan ko ang sarili ko na ngumiti ng mapagsino yun.
Si Timothy.
"Say it again?"
"Alin?"
"Yung sinabi mo nung isang gabi."
"Umuwi ka na?"
Naningkit ang mata nya, pinipigilan ko pa rin ang ngumiti.
"Hindi yun."
"Wala naman akong ibang sinabi ah."
"Meron."
"Wala akong maalala."
"I love you." Nakatitig lang ako sa seryoso nyang mukha. Bumuntong hininga sya at tumalikod para umalis na.
"I love you too."
Napabalik sya kaagad.
"That, yan ang gusto ko marinig."
"Narinig mo naman pala nagtatanong ka pa." Tuluyan na akong napangiti dahil nakasimangot pa rin sya.
"Alam mo mas cute ka pag naka ngiti." Inunat ko yung pisngi nya yung parang naka ngiti.
"You dont know how happy i am today." Napangiti na sya.
"And you dont know how late i am right now."
Pagkasabi nun ay lumabas na ako ng maintenance room.
Sinundan nya ako. Pinigilan at hinalikan nya ako sa noo.
"See you later babe. I love you."
Hindi ako nakasagot dahil tumakbo na sya at napapatalon pa.
Right now! I dont care what will happen next, ang alam ko masaya ako.
