Stella's POV
Naging busy si Timothy sa training. Last naming kita ay yung sa football court.
Intramurals na namin. Nakakapagod kahit water girl ka lang. Si Erika enjoy na enjoy. Si Charlie naman lagi akong inaaya na sa kanya nalang sumama. Ayaw ko nga makita pa ako ni Timothy magselos na naman yun.
Nagpaalam ako kay Erika na maglakad lakad dahil sa tingin ko wala syang plano lubayan yung crush nya.
Tumunog yung phone ko. Nang tingnan ko kung sino, ang ate ko.
"Hello?"
"Stell, guess what?"
"What?"
"Im pregnant?"
"What?! I thought you dont like him?"
"Hindi ko naman sinabi na sya ang ama."
"Si kuya James? Ate are you insane?"
"Im getting an annullment."
"Are you sure about it?"
"Yes, pumayag na rin si William. Our feelings are mutual, he loves someone else. Alangan naman magpatali kami. Tapos na rin yung merging ng company."
"Ate, if that makes you happy then go."
"Thank you. I'll call you again.
"K, bye."
Masaya ako whatever my sisters decision is. I hope dad will not hate us for disobeying him.
Wala akong nagawa buong araw. Nagstay lang ako sa library at nagbasa.
Papunta na ako ngayon sa trabaho ko. Hindi ko pa rin nakikita si Timothy, pero okay lang wala ako sa mood ngayon.
Nalulungkot din ako pag naiisip ko kung paano kung hindi ko kayanin na ako nalang mag isa. Kung hindi na talaga ako matanggap ng papa ko. Kung saan ako pupunta pagdumating na ang panahon na yun.
Ipinilig ko ang ulo ko ng magsimula na akong maluha.
"May problema ba? Nag away ba kayo ni Timothy?"
"H-hindi may naisip lang ako."
"Ano?"
Tiningnan ko si Erika.
"May nabasa ako sa library kanina, yug babae ipinagkasundo sya ng parents nya sa anak mayaman. Pero umayaw yung babae kaya naglayas sya. Kung ikaw yung babae magpapakasal ka ba?"
"Nabasa mo ba yan o base on experience mo yan? Pero kung ako nga yung babae or ikaw, gagawin ko kung ano yung ginawa nya o ginawa mo. Iiwan ko lahat ng nakasanayan ko. Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal kahit dumanas man ako ng kahit anong hirap."
Kahit anong pilit ko na kalimutan ang problema ko babalik at babalik pa rin sya.
"Halika na nga magtrabaho na tayo."
"Oo nga pala girl, hinahanap ka ni Timothy kanina hindi ka raw nya makita e."
"Nagstay lang ako sa library. Kakausapin ko nalang sya bukas."
"Stella, hindi ko alam kung ano ang problema mo but the first day na nakilala kita alam ko may something sayo. Yung lalaking pumunta dito, yung babae alam ko may connection yun sayo. Maging matatag ka lang. Kaya mo yan."
Nginitian ko si Erika. Totoo nahihirapan ako. Lalo na at nararamdaman ko na malapit na akong bumigay.