Stella's POV
Everytime na maglalunch break ay nandun si Michael at may dalang pagkain. Hindi ko na sya mahindian kasi vegetables nayung dala nya.
Pagdating ng hapon naman dalawang rooms lang yung nililinisan ko, share pa kami ni Timothy nun.
Naging ganito yung routine namin buong week.
Hindi na rin ako nagrereklamo paghinahatid at hinihintay ako ni Timothy.
Ngayon weekend wala akong trabaho. Kaya niyaya ako ni Timothy na manuod ng training nila. Hindi sa ako papayag pero nagpapakonsensya ang gago, kahit yun nalang daw ang kabayaran sa ginagawa nya.
As if naman pinilit ko sya, dahil mabait ako pumayag na din ako.
Nakaupo ako sa bleacher at nanunuod lang sa kanila.
Hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ni Timothy.
"Hello, earth to you. Tubig?"
Umiling lang ako.
"Okay ka lang dito?"
"Matanong kita, may choice ba ako except sa maging okay?"
Tumawa lang sya at kumibit balikat.
"Matagal pa ba kayo? Baka pwede na akong umalis?"
"Malapit na, mag memeeting muna kami. Dyan ka lang at may pupuntahan pa tayo."
Hindi na ako naka pagsalita dahil tumakbo na sya.
Nang matapos silang magmeeting ay nagbihis na sila.
Naiinip ako kasi ang tagal ni Timothy, parang babae kung maligo.
Nang makita ko syang lumabas, tumayo ako agad at nilapitan sya.
"Alam mo ba na ang mga babae ay hindi dapat pinaghihintay."
"Sa tingin ko inaapply lang yan sa mga girlfriends nila."
Umirap ako, "Saan ba tayo pupunta?"
"Mamasyal lang. Ali ka na dali."
"No, pagod ako, gusto ko matulog."
"Magpapahinga tayo."
"Uuwi nalang ako."
Hinila nya ako at yun ang dahilan na napadikit ako sa katawan nya.
Hindi ako makagalaw ng dahil dun.
"Hindi pwede. Sasama ka sa akin. I'm sure mag eenjoy ka."
Naglakad na kami. Nakarating kami sa mall.
Yung mga tao nakatingin sa amin dahil hinihila nya pa rin ako.
Pumiksi ako para makabitaw.
"Wag mo akong hawakan, makakalakad ako. At in case na hindi mo narerealize, hinihila mo na ako."
"Sorry, halika ka dali." Nagulat ako dahil hinawakan nya yung kamay ko. Bibitaw sana ako, pero ayaw nya akong bitawan.
Hindi ako comfortable. Kahit kailan wala panglalaki na nakakahawak sa akin.
No boyfriend since birth ako.
Nakarating kami sa WOF. Gusto ko ng batukan ang kasama ko. Gusto lang maglaro isinama pa ako.
Tiningnan ko lang sya habang naglalaro, inaantok talaga ako. Wala akong energy para makipaglaro sa kanya.
Lumingon sya sa akin at ngumisi. Nagpatuloy lang sya sa paglalaro.
Nang hindi ako makapagpigil hinila ko sya palabas ng WOF at lumabas ng mall. Hindi rin naman sya nagrereklamo.
Nang makalayo kami sa mall, tumigil ako sa ilalim ng puno.
Mas lalo akong nanghihina dahil sa init.
"Alam mo ba na antok na antok na ako. Akala ko saan ka pupunta e maglalaro ka lang naman pala. Kung ikaw hindi pagod ako pag-"
Natigil ako sa pagsasalita ng hinalikan nya ako. Lumaki yung mata ko sa pagkagulat. Hindi rin ako makapalag.
Iba yung paraan ng paghalik nya sa akin di pareho nung una.
Nang humiwalay sya, tiningnan nya ako sa mga mata.
"I love you."
Oh God, sana lamunin na ako ng lupa. Alam ko na namumula na ako ngayon.
Tinapakan ko sya sa paa nya ng makabawi ako sa pagkapahiya.
"I love you hin mo mukha mo."
Tatalikod na sana ako pero hinila nya ako at pinaharap.
"No, i really do love you. I dont know what happen. Basta alam ko gusto ko na lagi kang nakikita, makasama. I want to see you everyday."
Tinitigan ko sya. Seryoso sya sa pagkakasabi nun.
Masasaktan lang sya pagminahal nya ako.
"No, hindi pwede. Pareho lang tayong masasaktan."
"I dont care. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ako nagseseryoso ng babae kahit kailan. Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng ganito. Everytime I'm with you it seems like the time stops."
"You cant love me. Pag isipan mo to."
Tinalikuran ko sya at tumakbo. Nang makalayo ako, umupo ako sa bench.
What I am doing? Hindi nya akong pwedeng mahalin.
Maraming buts, masasaktan lang sya.