Stella's POV
Lunch time na, nasa canteen na kami ni Erika.
"Girl, sa akin ka nalang sumama please."
Malapit na kasi ang intrams namin kailangan lahat magparticipate para may extra points.
"Ano ba kasi ang sinalihan mo?"
"Water girl?"
"Ano? Bakit?"
"Kasi nandun ang crush ko. Sige na girl please. Sa basketball boys tayo."
"Sige na nga tinatamad din ako, basta ikaw magtrabaho lahat ha?"
Ngiting ngiti sya na tumango sa akin.
Nagsimula na akong kumain ng lumapit sa amin yung kaklase namin.
"Guys, wala na tayong klase mamaya pero may attendance. Punta pa rin kayo sa usual time okay?"
"Bakit wala na?"-erika
"Tutulong na daw for preparation. Yung may sports nagtetraining ngayon."
"Sige thank you."-erika
Pumunta kami ni Erika sa classroom namin at nag attendance.
Buong hapon naglinis at naghakot lang kami.
Nang matapos nagmamadali akong lumabas since nauna na si Erika dahil may bibilhin pa daw sya.
Nang nasa ibaba na ako ng hagdanan ng may humarang sa akin. Nang tingnan ko, si Charlie lang pala.
Hindi ako nagsalita, tinitigan ko lang sya.
"A-ano kasi.. ahm i just want to say sorry for what happened. I swear hindi kita gustong saktan."
"Kasama ba sa punishment mo yung paghingi ng sorry sa akin?"
"No, naguguilty lang kasi ako. I'm really sorry."
Tiningnan ko yung mga mata nya, nakita ko ang sincerity doon.
Bumuntong hininga ako.
"Alright, just promise me na hindi ka na mangugulo uli."
"Promise. Can i hug you?"
Nginitian ko sya at niyakap, sandali lang at humiwalay ako.
Nagpaalam na ako sa kanya.
Nang makalabas ako sa gate nagulat ako dahil nandoon si Timothy.
"What are you doing here?"
"Hinihintay ka."
"Akala ko nasa training ka. Hindi mo nalang sana ako hinintay."
"Bakit magkayakap kayo?"
"Humihingi lang ng paumanhin yung tao sa nangyari."
"Bakit may yakap pa?"
"He needs assurance that I forgive him. Teka nga bakit ka ba nagkakaganyan?"
"Nagseselos ako. Hindi pa ba obvious?"
"Bakit?"
"Because I love you."
"Ano ba kita?"
Natahimik sya, things are not clear between us. I know our feelings are mutual.
Nang hindi pa rin sya nagsalita, ako nalang ang nagsalita.
"You know what, mahal rin naman kita kaya wag ka na magselos."
"Please be my girlfriend Stella."
"You know what for a playboy like you, ikaw na ang pinaka slow. Mahal nga kita diba. Halika na nga at malelate na ako."
Hinila ko na sya hindi na rin sya nagsasalita.
I really do love him. Kung sya siguro ang lalaki na gustong ipakasal sa akin ni daddy hindi ako magdadalawang isip na pakasalan sya.