Stella's POV
Nakatanggap na ako ng invitation galing kay Erika.
Naghahanda na ako ng may kumatok. Nang binuksan ko yun nakita ko si daddy.
"dad, ano po yun?"
"Gusto mo ihatid kita?"
"No, okay lang. I can drive."
"Stella,anak, I'm so sorry, nang dahil sa akin na eexperience mo ang masaktan ng ganito."
"Dad, okay lang yun. Sa tingin nyo po ba magiging masaya ako kung pinabayaan ko na magulo yung pamilya natin."
"i hope he is going to understand you."
"Okay lang dad kung hindi. maiintindihan ko sya kung hindi nya ako mapatawad. Kahit sa akin ginawa yun masasaktan din ako."
"Anak, I'm so sorry." niyakap nya ako at umiyak sya. "I'm so selfish before, hindi ko inisip na nakakasakit na pala ako."
"Dad, it was before. Lets forget everything. "
"Sige na umalis kana bago mawala yang make up mo."
Umalis na nga ako at tumuloy sa simbahan. Nakita ko ang mga kaibigan ni Timothy. Alam ko nagtataka sila kung bakit ako nandoon.
"Hi, ikaw ba si Stella?"
"Oo, bakit?"
"Halika dali." Hinila nya ako palabas ng simbahan at pumunta sa sasakyan ni Erika.
"Be my maid of honor please."
"What? Erika, no, masisira ang kasal mo. I have no dress."
"Magka size naman kayo ng kapatid ko e." nginuso nya ang babaeng humila sa akin kanina.
"Fine, since its your wedding I cant say no to you."
"Ahh, thank you."
Pumunta kami sa c.r ng kapatid ni Erika at nagpalit kami ng damit.
Lumabas kami, at nakatayo na si Erika sa may pintuan.
"I'm glad you are here Stell."
Nginitian ko lang sya. Kinakabahan ako, hindi naman ako yung ikakasal.
Nang bumukas ang pinto, nakita ko sa mukha ng groom at ng bestman nitong si Michael ang gulat.
Nabaling ang pansin nila kay Erika, at nagpapasalamat ako dun.
Nagsimula na ang seremonyas, pinigilan ko maiyak sa wedding vows nila pero napakatraydor ng mga luha ko dahil sunod sunod na ang pagtulo noon.
Nang matapos ang kasal, dumiretso kami lahat sa reception.
"Stella, where have you been?"-Michael
Nginitian ko sya. "Nagtatago."
"Seryoso?"
"Hindi, may inasikaso lang ako."
"Ang tagal ng inasikaso mo ha. Halos mabaliw si Timothy sa kahahanap sayo."
"Hoy ano ba yan. Tigilan mo si Stella."-ethan
"Pasensya na sa nangyari."
"Ano ka ba? Okay lang yun, matagal na rin. I guess Timothy already move on."
"Mabuti na rin kung ganun."
Nag excuse muna ako sa kanila kasi hindi ako makahinga pagnapapalibutan nila ako.
"Dude!! Congrats!! Umabot ako sa kasal mo ha."
Napatayo ako ng maayos ng marinig ko yung nagsalita.
Until now, I can't forget that voice.
"May jet lag pa ba dude?"- Jeff
"Well, kasal mo ngayon, walang jet lag jet lag sa akin ngayon."
Nilingon ko na sila. God, I miss this man so much. Nakatingin sa direksyon ko si Erika at may pag aalala sa mata nya.
Nginitian ko lang sya.
Pumunta ako sa banyo at tumunog yung phone ko. Tiningnan ko kung sino, si Ate lang pala.
"Hello?"
"Ano, nagkita na ba kayo?"
"Nakita ko na sya, pero hindi nya ako nakita."
"Lapitan mo sya."
"Ate!!!"
"Alright, take your time. Hinahanap ka na ni Elijah, masyado ng nasanay ang bata sayo."
"Sige, magpapaalam na ako."
Pinatay ko na yung phone ko. Nag ipon ako ng lakas ng loob at lumabas.
Lumapit ako kay Erika. Mabuti nalang wala sa paligid yung mga kaibigan ng groom.
"I need to go Erika."
"Ang aga pa, please stay for a while."
May sasabihin pa sana ako pero na unahan na ako ng kung sino.
"Wag mong pigilan ang taong gusto ng umalis, mabuti nga ngayon marunong ng magpaalam."
"Timothy?!" saway ni erika sa kanya
"No, its okay Erika."
Hinalikan ko sya sa pisngi. "Best wishes." Bulong ko sa kanya.
Dinaanan ko lang si Timothy at yung mga kaibigan nya.
Nang makarating ako sa sasakyan ko. I lean on it at napatakip ako sa mukha ko.
Naiyak ako sa sama ng loob. Kahit hindi man sabihin ni Timothy yung nararamdaman nya nakikita ko sa mga mata yung sakit.
Natatakot akong harapin sya dahil baka sumbatan nya ako. Akala ko kaya ko na pero hindi pa pala.