Timothy's POV
Napaupo sa may hagdanan at sinabunutan ang sarili ko.
Sa tagal na panahon na nawala si Stella, ngayon ko lang iniyak ang lahat. Tinago ko lahat ng sama ng loob ko.
Alam ko na hindi lang ako nasaktan, ysya rin. Pero kahit anong gawin nyang paliwanag nasasaktan p rin ako.
"Kuya? Mahal mo pa rin sya no?"
Si Patricia, kapatid ko.
Alam nya lahat ng nangyari sa akin. Sya ang nagsundo sa akin sa presinto ng magwala ako sa isang bar.
"Bakit ganun? Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko."
"Kasi inuuna mo yung galit sa kanya. Alam mo, unang tingin ko pa lang sa kanya nakikita mo na nasasaktan talaga sya. Kung mahal mo pa sya bakit mo pinipigilan ang sarili mo?"
"Hindi ko pa kaya."
"Kung pinakawalan ka nya noon ibig ba sabihin nun, pakakawalan mo na rin sya ng basta basta nalang?"
Tiningnan ko sya, napakaseryoso ng mukha nya.
"kalimutan mo na ang pride mo kuya. Kung mahal mo mahalin mo, kung hindi sabihin mo sa kanya para hindi na mag expect yung tao."
"Do you think this time, it will work for the both of us? Ilang beses ko na rin syang pinagtabuyan."
"Bakit hindi mo subukan? Nakapag explain na naman sya sayo. Bakit hindi nalang kayo magsimula ng bago?"
Ang totoo, nang makita ko si Stella sa kasal ni Erika at Jeff ay gusto ko syang yakapin ng mahigpit. Pero natabunan lahat yung ng galit.
I hope she will forgive me for all the things I've said. I'm willing to give us a chance.
Stella's POV
Pinuntahan ko si Erika sa kanila, mabuti nalang wala si Jeff.
Sa kanya ko ibinuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Pinangako ko sa sarili ko, na pagkatapos nito kakalimutan ko na sya.
"Tahan na Stell. You tried your best to let him understand. Lagi nalang ikaw ang nagmamakaawa para sa pagmamahal. Bigyan mo naman ang sarili mo ng chance na mahalin ka."
"Kakalimutan ko na sya. Hindi man nya ako mapatawad ngayon alam ko balang araw pagmasaya na sya ng tuluyan, mapapatawad nya rin ako. Ang sakit-sakit lang.. kung kaya ko lang baguhin yung kapalaran namin."
Napahagulhol na naman ako uli.
"Anong gagawin mo?"
"Siguro sasama ako sa ate ko papuntang Paris."
"Lalayo ka na naman? Puputulin mo na naman ang connection natin?"
"Hindi ah...Magpapalamig lang ako..magpapahilom na rin ng sugat."
Nginitian ako ni Erika pero nasa mga mata nya yung awa para sa akin.
"Let the time heals the both of you. I know, makakarealized din sya."
Siguro ang paglayo ang tamang gawin para makalimutan ko sya ng tuluyan. Masyado na rin akong nasaktan sa muli naming pagkikita.
Hahayaan ko nalang ang panahon ang magdala sa akin kung saan man talaga ako nakatadhana.
