Timothy's POV
Nang makita ko si Stella na kinakausap si Erika, agad ko silang nilapitan. Pilit akong pinipigilan ng mga kaibigan ko.
Nang mawala sya halos mabaliw ako sa kahahanap sa kanya. I quit football para magkaroon ako ng oras para hanapin sya.
Ilang buwan din akong lagi nalang umiinum pumapasok pero laging gulo ang dala.
Nang makita ko sya kanina gusto ko syang sumbatan.
Sinundan ko sya sa labas at nakita ko sya nakatayo sa harap ng kotse nya. Nakasubsob yung kamay nya sa mukha.
Nilapitan ko sya.
"What are you doing here?"
Pinahiran nya ang mga luha nya bago tumingin sa akin.
"Erika, invited me here."
"Hindi mo man lang inisip na nandito ako."
"She told me that you cant come. I don't expect you here."
"I hope this will be the last time that we bumped into each other."
Nakatingin lang sya sa akin, namumula pa rin yung mga mata nya.
Tatalikod na sana ako nang hindi na sya nagsalita.
"T-Timothy, I'm sorry." umiyak na sya ng tuluyan.
Hinarap ko sya ulit at nilapitan.
"Sorry? Halos pinatay ko yung sarili ko mahanap ka lang. Nawala ang pangarap ko ng umalis ka."
"Alam ko na magagalit ka sa akin at naiintindihan kita."
"2 years na. Hinintay ko na bumalik ka. Ni minsan ba inisip mo na balikan ako?"
"Walang araw na iniusig ako ng konsensya ko. Araw araw mula ng iwan kita gusto kitang balikan."
"You left me hanging Stella. Inisip ko lagi kung may nagawa ba akong hindi maganda sayo."
"M-masyadong magulo ang buhay ko noon Timothy. Ang pamilya ko. Umalis ako sa amin kasi pinipilit ako magpakasal ng daddy ko sa iba. Pinilit ko mabuhay na ako lang mag isa. Kaya sinabi ko sayo noon na masasaktan lang tayo pagmamahalin mo ako. I'm really really sorry."
Lumuhod sya sa harap ko at humagulhol.
"Wala nang magagawa ang sorry mo, nasaktan na ako."
Iniwan ko sya na nakaluhod parin sa daan.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.
Ang tagal ko nakabangon mula ng iwan nya ako. Kahit sila Jeff hindi magawa na patinuin ako.