Stella's POV
"Oy, grabe yung ginawa mo ha. Ikaw lang ang nakapagsalita sa kanya ng ganun."- Erika
"Bakit sino ba yun?"
"Well, sya lang naman ang gwapo, hot at ang pinakamagaling na football player. Sigurado girl, bukas marami kang kaaway dahil sa ginawa mo sa kanya."
"Wala akong pakialam. Napakabastos nya, naiinis ako sa kanya." Halika ka na nga, hinawakan ko sya sa kamay nya.
"Infairness ha, ang lambot ng kamay mo. Sure ka ba na magtatrabaho ka?"
Binitiwan ko sya at tiningnan.
"Kailangan ko magtrabaho, sarili ko nalang ang inaasahan ko ngayon." Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
Wala akong ibang pinagsabihan kung sino talaga ako. Ang school administration lang ang nakakilala sa akin kung sino ako.
Natanggap ako sa coffee shop na pinagtatrabahuan ni Erika. Tatlong araw na akong nagtatrabaho dito. Madali lang naman ang trabaho ko, di masyadong mabigat. Minsan nalulungkot din ako pag naiisip ko yung pamilya ko. Iniisip ko kung nag aalala din ba sila sa akin.
"Hoy, halika na. Malelate na tayo." Bumalik ako sa sarili ko ng marinig ko Erika na nagsalita.
Hinubad ko yung apron ko at kinuha ang bag ko. Tumatakbo sya papunta sa school.
"Teka nga, bakit ka ba tumatakbo. Ang aga pa naman ah."
"Nako girl, nagtext yung classmate natin, may chika daw. Kaya dali na."
Nang makapasok kami sa campus nagtataka ako dahil yung mga tao ay nakatingin sa akin. Inisip ko na baka nandito ang daddy ko.
"Ano ba ang kasing meron?"
Hindi na nya ako nasagot ng makita ko ang mukha ko nasa wall ng building. Napanganga ako dahil edited lahat ng larawan. Nakadamit ako ng pangyaya, striper, janitor at kung ano ano pa.
Halos umakyat ang dugo ko sa ulo ng makita ko kung sino ang pasimuno ng lahat ng ito. Si Timothy.
Nilapitan ko sya. Gusto ko syang sakalin hanggang sa mawalan sya ng hininga.
"Why are you doing this?"
"Yan ang kabayaran sa ginawa mo sa akin nung isang araw. Pinahiya mo ako sa harap ng mga tao."
"You deserved that. You don't deserved to be respected, humingi na ako ng paumanhin sayo I think that was enough. Tigilan mo yang ginagawa mo, dahil walang epekto sa akin yan. Lahat naman yan walang katutuhanan."
"Anong hindi totoo? Hindi ka nagtatrabaho sa coffee shop?"
"Anong masama dun? Nagtatrabaho ako para buhayin ang sarili ko. Ikaw matanong kita, ano ang ginagawa mo sa sarili mo para mabuhay?" Hindi sya nakasagot sa tanong.
"I guess wala. Kaya lubayan mo ako. Nanahimik ako kaya wag mo akong pagdiskitahan."
Tinalikuran ko sya, wala akong pakialam sa mga babaeng matalim ang tingin sa akin.
Pumasok ako sa banyo, ni locked yun at nagsimulang tumulo yung luha ko. Alam ko sa sarili ko na nahihirapan ako sa bagong buhay ko ngayon. Hindi ako sanay na binubully, dati kasi tahimik lang ako hindi ako sanay makipagsagutan. Mahina ang puso ko sa ganyang usapan, bumibigay ako kaagad.
May narinig akong kumatok. Pinahid ko yung luha ko bago binuksan yun. Si Erika lang pala.
"Okay ka lang ba?"
"Okay lang ako. Wag mo akong alalahanin."
"Pasensya na ha, di ko talaga alam na ikaw pala yung pinag uusapan nila." Ngumiti ako sa kanya at lumabas ng banyo.
Kakayanin ko to, pagsubok lang to para sa akin. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng tumunog yun.
Ang ate ko. Sinagot ko yun.
"Hello?"
"Stell, nasaan ka?"
"Ate, wag mo ng alamin."
"Nag aalala ako sayo, kami ni mommy. Please tell me you are okay."
"Pinipilit ko maging okay. Namimiss ko na rin si mommy. Wag nyo nalang alamin kung nasaan ako."
"You need my help?"
"No, I'm fine. By the way, how are you?"
"I'm fine too. You know what, I'm happy for you kasi nagawa mo makaalis kila daddy. Dati iniisip ko yan, pero lagi akong nauunahan ng takot. Di ko kasi alam kung saan ako pupunta. Please be safe, if you need help, do not hesitate to call me. Okay?"
"Okay, I have to go na. I miss you. Bye!" Pinatay ko na yung phone at naglakad na papunta sa room ko. Nakita ko si Erika at nilapitan ko sya.
"Saan ka galing?-Erika
"Nagpahangin lang." Tumango tango lang sya.
Napatingin ako sa unahan ng mapansin ko na may taong nakatingin sa akin. Si Timothy, nakangiti sya sa akin. Umirap lang ako sa kanya at ibinaling ko sa iba yung tingin ko.
Kapag nakikita ko sya umaakyat talaga yung dugo ko sa ulo. Sayang ang ka gwapuhan nya ginagamit nya sa pagkabasag gulero nya.
