Depression
Isinulat ni:
Blazeglaze→★°★←
Tila alipin ng sariling pagdududa.
Pangamba't pag-aalinlangan ay batid sa kaniyang mga mata.
Bibitawan ang pangarap pati na ang tadhana.
Tatanggapin ang kapalarang siya mismo ang may gawa.Sa t'wing siya'y nag-iisa ay ikaw ang naririyan.
Siya'y iyong niyayakap sa pighati't karimlan.
Iyong ibinubulong ang mga bangungot ng nakaraan.
Magkasamang nalulunod sa kailaliman ng isipan.Sa malakas na tawa't mababaw na kaligayahan,
Pilit ka niyang itinatago upang di mapansin ninuman.
Walang rason para ika'y kaniyang maramdaman,
Ngunit bakit tila ayaw mong lumisan.Hindi na niya matitikman ang mga pagkaing kaniyang inaasam-asam.
Hindi na niya malalaman ang wakas sa mga kwentong kaniyang sinusubaybayan.
Hindi na niya masasaksihan ang mga bagay na kaniyang inaabangan.
Hindi na niya matatapos ang lahat ng kaniyang mga nasimulan.Naghihintay na lamang ng isang pangyayari
Na siyang gagalaw ng gatilyo't papawi
Sa nararamdamang kay tagal nang ikinukubli.
Hanggang kailan ka sa kaniya mananatili?Ilang kirot pa ba ang kailangan niyang tiisin?
Ilang taon pa ba siya sa iyo'y magpapaalipin?
Hinihiling sa mga bituin na hindi na magising.
Huling hininga nawa'y tangayin na ng hangin.Tila nakakulong sa sariling isipan.
Pilit na kumakawala sa tanikala ng nagdaan.
Mag-isang pinipiling niyayakap ang kadiliman.
Di na bakas ang takot maabot lang si kamatayan.→★°★←
![](https://img.wattpad.com/cover/120649733-288-k740341.jpg)
BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PoesíaSa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...