Tayo
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)→★°★←
Merong sila pero wala pang tayo,
Merong ikaw pero wala pa ako.
Wala pa kami dahil 'di pa sigurado,
Pero balang-araw ay sana maging tayo.Buhay nga naman habang ako ay single pa,
Naghihintay lang na makita si tadhana.
Mga kaibigan at barkada lang ang kasama,
Walang lovelife na pinoproblema.Isang araw nang makita ko siya,
Siya na nga ba ang forever ko't tadhana?
Ngayong ako sa kaniya'y mayroong paghanga,
Na bawat araw siyang nakikita'y ako sa kaniya'y napapamahal na.Niligawan ko siya at agad niya akong sinagot,
Ngunit gano'n din pala kabilis para siya'y sa'kin ay mabagot.
Kinabukasan ay nakita ko siyang nag-iisa't tila may hinihintay,
Inaakala na siya lamang ay nalulumbay.Ngunit ilang saglit ay may lalaking dumating,
Hinagkan siya nito habang siya'y nilalambing.
Gano'n niya na lang ba ako kabilis ipagpalit?
Na isang buwan namin ay kay bilis niyang iwinaglit.Tumakbo ako papalayo mula sa alaalang nakasama ko siya,
Walang pakialam kung saan man ako pupunta.
Ako'y dinala ng paa ko sa parke kung sa'n ko siya unang dinala,
Paborito kong lugar na hindi siya naging masaya.Umupo ako sa pwesto namin noong siya'y kasama ko pa,
Hanggang sa umulan, heto ako at basang basa.
Ngunit ilang sandali nang maramdaman kong tumigil ito,
Nang may babaeng may hawak na payong at sinukuban ako.Umupo ka sa tabi ko at tahimik na sinamahan ako,
Tinanong mo kung bakit mag-isa't basang basa ako.
Hindi kita pinansin ngunit hindi ka umalis,
Kahit na 'di mo ako kilala, ako ay iyong tiniis.Nang tumigil ang ulan at saka ka nagsalita,
Iyong pangalan ay agad sa'king ipinakilala.
Sabi mo sa akin ay malungkot ka,
Dahil iyong boyfriend ay pinagpalit ka sa iba.Parehas lang pala tayo na nasaktan,
Pero kahit na, ay parehas naman tayo ngayong nagtatawanan.
Masaya tayong dalawa dahil nakilala natin ang isa't isa,
Na agad napalitan ng saya ang sakit na nararamdaman natin kanina.Simula nang maging magkaibigan tayo,
Ang sakit na dulot niya ay unti-unting nakalimutan ko.
At sa bawat araw na magkasama tayo,
Ako pala'y may nararamdaman na para sa iyo.Lumipas ang araw nang inamin ko sa'yo ang nararamdaman ko,
Na sa akin ay gano'n din pala ang nararamdaman mo.
Parehas tayong nagtawanan nang ating mapagtanto,
At sabay tanong ko sa'yo kung pwede ba maging tayo.→★°★←
Tayo
→★°★←

BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PoetrySa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...