Bagyo
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)→★°★←
Sa pagkakatanda ko ay maaraw pa kahapon,
Ngunit bakit kay daling magbago ng panahon.
Kung kailan ang bughaw na kalangitan ay tanaw ko pa,
Na ngayon ay itim na't may trahedyang nagbabadya.Malakas na hangin ay nagsimula nang humambalos,
Sa mga puno't kabahayanan ay kumakaluskos.
Mga kidlat na tumatama mula sa himpapawid,
Kasabay ay kulog na dagundong ng takot ang hatid.Sa madilim na gabi habang humihiyaw ang kalangitan,
Ay siyang pagbuhos ng napakalakas na ulan.
Bawat tao'y nararamdaman ay pangamba,
Kung ang mahal nila sa buhay ay maayos o ligtas ba.Sa biglaang pangyayari na hindi inaasahan,
Linya ng kuryente't ilaw ay biglaang nawalan.
Habang kadiliman ang bumabalot sa buong kapaligiran,
Sigaw ng takot o iyak ng sanggol ang makikipagsabayan.Sa mahaba at madilim na gabi,
Kung saan rinig mo ang dagundong na nakakubli.
Papasok na lamang sa iyong isipan,
Ang manalangin upang maging ligtas pagsapit ng kinabukasan.Paggising mo'y ika'y magugulat na lamang,
Na ang tubig baha'y inabot na ang iyong tahanan.
Mag-aatubiling isalba pa ang ibang kagamitan,
Kahit na alam mong hindi na mapakikinabangan.Sa pagdaan ng nakapipinsalang trahedya,
Makikita ang bakas nitong hindi maipaliwanag na itsura.
Kapaligirang puno pa ng putik at tambak ng basura,
Hindi sigurado kung may buhay bang naisama.Napatingin ulit ako sa kalangitan,
Ang kahapo'y itim, ngayon ay bughaw na kaulapan.
Agad na mangangamba dahil alam kong may susunod pa,
Hindi sigurado kung anong klaseng trahedya.→★°★←
Bagyo
→★°★←

BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PoesíaSa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...