Pasko
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)→★°★←
Marami sa kanila na kumpleto ang pamilya kapag pasko,
'Yung maraming handa at may maipangreregalo.
Masaya sila kasi nakukuha nila ang kanilang hiling,
Habang ang iba ay walang handa maski isang kusing.Ngayong sasapit ang pasko ay 'di kami kumpleto,
Dahil si tatay ay sa ibang bansa't nagtatrabaho.
Tumawag kami sa kaniya't bumati ng maligayang pasko,
Tinanong namin kung anong handa ngunit wala daw kahit na ano.Nandito kami ni inay at ng kapatid ko sa probinsya,
Kasama mga pinsan ko't mga tito at tita.
Kakaunti lang kami ngayong sasapit ang pasko,
Na ang inaakala ko'y magiging malungkot ang pasko ko.Sumapit ang gabi at mga christmas lights ay nakasindi na,
Habang sila'y inihahanda na ang noche buena.
May mga kabataan ding halos nahihiyang namamasko,
Habang kami'y sinisimulan na ang mga palaro.Dumating ang hating-gabi at nagsimula na ring kumain, Habang kwentuhan at tawanan lang ng bawat isa sa'min. Pagkatapos ay nagsimula nang magbigayan ng mga regalo,
Habang masayang nag-iinuman ang mga tito't tita ko.Sinimulan ko na ring batiin ang mga kaibigan ko,
Saka tinawagan si itay kung gaano kami kasaya dito.
Kinwento ko sa kaniya kung paano rin ako nanalo,
Hanggang sa kung gaano kasarap ang mga handang nakain ko.Binati ko siya ng maligayang pasko,
Na alam kong mapapasaya ko siya kahit papaano.
At kahit ito man lang ang maibigay ko sa kaniyang regalo,
Ang mapadama ko sa kaniya ang pagmamahal ko kahit siya'y nasa malayo.Matapos kong makipag-usap kay itay ay bumalik na ako sa kanila,
At nakita silang nagkakantahan kahit sila'y lasing na.
Halos abutin kami ng umaga habang ang iba'y matutulog na,
Habang ako'y masayang pinikit ang aking mga mata.Pagsapit ng kinabukasan ay araw na ng pasko,
Rinig ko pa rin ang tugtog na tila nambubulabog sa tulog ko.
Nakita ko sila na malakas na nagtatawanan,
Na tila 'di ramdam ang puyat na halos walang tulugan.Sumapit ang tanghali't kami ni inay ay naghanda na,
Upang 'di gabihin sa pag-uwi at agad ring makapagpahinga.
Habang nasa daan ay napaisip ako sa mga naganap,
At ito na siguro ang isa sa magandang regalong aking natanggap.Hindi man kami kumpleto ngayong pasko,
Naging masaya pa rin kami sa mumunting salo-salo.
Wala mang materyal na bagay na natanggap bilang regalo,
Basta makita ko silang masaya ay wala nang hihigit pa na sila'y nakasama ko.→★°★←
Pasko
→★°★←
BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PoetrySa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...