TMK6: Kaya

62 6 0
                                        

Kaya

Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)

→★°★←

Sabi nila na isipin mo lang na kaya mo,
Na kahit ano mang problema ay malalampasan mo.
Pero sabi ng iba na kapag 'di na kaya ay 'wag nang pilitin,
Na baka sa huli ay masaktan ka lang din.

Ano nga ba ang papakinggan at gagawin ko?
Na sa bawat iniisip ay tila ako'y nahihilo.
Halos hindi ko na alam ang gagawin,
Dahil sa dami ng problamang haharapin.

Sabi nila na hanggang kaya pa ay laban pa,
Basta think positive lang ay magiging ayos na.
Kahit na pagkahaba-habang reviewer man o pila,
Basta tiis lang, laban lang hanggang kaya pa.

Pero bakit may iba na 'wag na raw pilitin kung 'di na kaya,
Na paniguradong masasaktan ka lang sa kakaasa.
Kung alam mong 'di na kaya ay sukuan mo na,
Dahil alam mong limitasyon mo ay naabot mo na.

Pero bakit kailangan mo pang pakinggan ang sabi ng iba,
Sarili mo naman ang mamimili kung kaya pa ba o hindi na.
Kaya ko pa kasi alam kong magagawa ko,
At 'pag alam kong 'di ko na kaya ay kailangan ko nang sumuko.

May sari-sarili tayong pananaw at paniniwala,
Na hindi ibig sabihing sumuko ka na ay 'di mo na kaya.
Sumuko ka dahil alam mo ang mas nakabubuti sa'yo,
Pero hanggang kaya mo, laban lang at ituloy mo.

→★°★←

Kaya

→★°★←

Tulang May KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon