Kapaligiran
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)→★°★←
Masdan mo ang iyong paligid,
Kapaligirang tayo'y naging manhid.
Pakiramdaman mo ang ating mundo,
Mga 'di inaasahang sakuna't delubyo.Mula sa isang piraso o supot ng basura,
Kahit na ito'y dumami ay ating binabalewala.
Maduming hangin pati na ang sangkatubigan,
Patuloy na pag-init ng ating mundong tinitirhan.Mga simpleng gawain para sa ating kalikasan,
Bakit ganoon na lamang kung atin itong pabayaan.
Ganito na ba tayo kamanhid para hindi maramdaman,
Masasamang pagbabago na nangyayari sa ating kapaligiran.Masdan mo ang kaniyang hindi mabilang na mga luha,
Dinggin mo ang kaniyang hiyaw na ating isinasawalang-bahala.
Masdan mo kung paano siya nagdurusa,
Sa sarili nating mga kamay na sa kaniya'y mismo'y sumisira.Hanggang kailan tayo magbubulag-bulagan,
Hanggang kailan tayo magbibingi-bingihan.
Sa mga payapang araw na tayo'y nagpapahinga,
Saka lamang kikilos kapag oras na ng sakuna.Mensaheng ito'y nais ko sa'yong ipamahagi,
Tayo ay kumilos habang may oras pang nalalabi.
Disiplina para sa ating mga sarili,
Sa atin mag-uumpisa ang pagbabagong minimithi.→★°★←
Kapaligiran
→★°★←
BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PoetrySa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...