TMK7: Pansin

55 6 1
                                        

Pansin

Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)

→★°★←

Nakikita mo akong nasa sulok at parating mag-isa,
Nakikita mo akong walang imik at parating nakatulala.
Kung mapapansin mo ay tila ako'y malungkot,
At inaakala mo na ako ay nayayamot.

May mga nagtatanong kung bakit daw ako mag-isa,
Ni hindi ko nga rin alam kung bakit nga ba.
Tinatanong nila kung nababagot daw ba ako,
Pero sabi ko na sanay naman na ako.

Sanay na akong maglakad nang walang pumapansin,
Na kahit magsalita ako ay tila walang nakikinig sa'kin.
Sanay na akong nasa sulok na lang at mag-isang naghihintay,
Na sa inaakala nila'y hindi ako nalulumbay.

Oo, sanay na akong mapag-isa,
Sanay na sa lungkot at walang mga kasama.
Pero bakit kahit alam mong mag-isa lang ako,
'Di ka pa rin lumalapit at mas gusto mong ikaw ay lumayo.

Gusto ko lang sabihin na gusto ko ng kasama kahit papaano,
Pero bakit hindi niyo kayang lapitan ang isang tulad ko.
Oo, malungkot nang nag-iisa,
'Yung pakiramdam na hindi ka importante at binabalewala ka.

Kung narinig mo ba ang mga sinabi ko, lalapitan mo na ba ako?
Kung nalaman mo na ba ang nararamdam ko ay papansinin mo na ba ako?
Hindi ako umaasa na magiging kaibigan kita,
Gusto ko lang naman malaman mo kung paano ang mag-isa.

Alam kong nakikita mo ako mula sa kinatatayuan mo,
Alam kong tinatanong mo ako sa kanila kung sino ako,
Alam ko ring madalas ang sulyap mo sa akin mula sa likod mo...

Pero kahit 'di mo ako kausapin, Ang saya-saya ko kasi kahit papaano ay may nakakapansin sa akin.

→★°★←

Pansin

→★°★←

Tulang May KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon