Umaga
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)→★°★←
Sa bukang-liwayliway ng malamig na umaga,
Masisilayan ang nanggigising na araw mula sa tala.
Mula sa maitim pang kalangitan,
Na ngayo'y may bahid na ng asul at kahel na kaulapan.Tila hanging bumubulong mula sa malamig na umaga,
Bumabating, ang araw ay magiging maganda.
Mga huni ng ibon na nagsisiawitan,
Mga bulaklak sa hardin na kay gandang pagmasdan.Sa pagtakbo ng oras ay aking nadama,
Mainit na haplos ng liwanag ng umaga
Kasabay ay amoy ng agahang kay sarap at kay bango,
Inihahanda na ni ina na siya mismo ang nagluto.Kay bilis ng araw, heto ako't matutulog na,
Aabangan kung umaga ba'y magiging maganda.
Mananaginip kung pareho rin ba,
Ang umagang kinabukasan ay kagaya rin kanina.Ngunit madaling araw pa lamang nang ako'y magising,
Malakas na ulan ang aking naririnig at bumati sa akin.
Wala ang araw at kahel na kaulapan,
Kundi maitim at malakas na buhos ng ulan.Mga huni ng ibon ay nawala ngayong umaga,
Mga bulaklak sa hardin na hindi bumuka't basang-basa.
Simoy ng hangin ay mas malamig ngayon kaysa kahapon,
Tila nagpapahiwatig na magiging malungkot ang araw ngayon.Inabot ko ang bawat patak ng ulan,
Sa aking palad ay masarap pagmasdan.
Damang-dama ang lamig na mayroon rito,
Napatanong kung bukas ay magiging ganito.Ngayon ko lang napagtanto,
Na bawat umaga'y pwedeng magbago.
Ngunit bawat umagang nasisilayan ko,
Ako'y nakangiti dahil may bagong araw sa mundo.→★°★←
Umaga
→★°★←
BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PoetrySa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...