TMK1: Mag-isa

172 6 0
                                        

Mag-isa

Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)

→★°★←

Ako'y naglalakad ng mag-isa sa isang maluwang na kalsada,
Walang kasama at sanay naman nang nag-iisa.
Kahapon ay kasama ko pa sila,
Ngunit ngayong lumipas na ang mga araw ay nag-iba na kami ng landas at naiwan akong nag-iisa.

Sa tuwing ako'y nakakakita ng mga barkadang masayang magkakasama,
Naaalala ko ang masasaya naming kulitan na ngayon ay isa ng alaala.
Ang kahapon na puno pa ng tawanan at asaran,
Na alam kong hindi na mauulit 'pag dating ng kinabukasan.

Ang noo'y aking mga problema,
Nariyan sila upang ako'y damayan at tulungan.
Ngunit ngayong hindi ko na sila kasama,
Heto ako, aking problema ay mag-isang sinusulusyunan.

Pero alam kong balang-araw,
Ay may pagkakataong magkikita ulit kami.
Uulitin ang masasayang nagdaang araw,
At gagawa ng panibagong alaala na nagkasama kaming muli.

Kung sa ngayon, ako ay nag-iisa,
Alam ko sa sarili ko ay nasa tabi ko lang sila.
Malayo man kami sa isa't isa,
Alam kong hindi ako nag-iisa dahil alam kong nariyan pa rin sila.

→★°★←

Mag-isa

→★°★←

Tulang May KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon