Ngiti
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)→★°★←
Gabi na nang biglang tumawag ka,
Agad ko itong sinagot kahit na ako'y abala sa aking ginagawa.
Nang marinig ko ang boses mo'y tila malungkot ka,
At agad kong tinanong kung mayroon bang problema.Pero hindi ko inaasahan nang umiyak ka na lang bigla,
Na dahil sa isang pangyayari'y araw mo ay nasira.
Ito ang unang beses nang tumawag ka sa'king umiiyak,
Habang ako ay natahimik na kahit magsalita'y walang balak.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,
Hindi ko alam kung paano ko patitigilin ang pag-iyak mo.
Tahimik lang akong nakikinig sa kwento mo,
Habang pinakikinggan kang umiiyak mula sa telepono.Hinayaan kitang ilabas ang nararamdaman mo,
Hanggang sa tuluyang huminahon ang mga hikbi mo.
Ilang saglit at katahimikan lang ang naririnig ko,
Hinihintay kung ano ang sasabihin mo.Tinanong kita kung maayos na ba ang pakiramdam mo,
Pero malungkot na "Ayos na ako" ang narinig kong sagot mo.
Hanggang sa nag-sorry ka dahil nakaabala ka pa,
At sabi ko'y ayos lang, basta maging maayos ka.Kinwentuhan kita nang mga nangyari sa'kin ngayong araw na'to,
'Yung mga masasaya para kahit papaano ay ika'y mapasaya ko.
Narinig kitang tumawa habang ako'y nagsasalita,
'Yung tawa mong alam kong nagsasabing ayos ka na.Humaba ang usapan natin habang parehas tayong nagtatawanan,
At ang nangyari ngayong araw na sayo'y wala na lang.
Masaya ako dahil kahit papaano'y napasaya kita,
At naibalik ang ngiti mo kahit nasa kabila ka ng linya.→★°★←
Ngiti
→★°★←
![](https://img.wattpad.com/cover/120649733-288-k740341.jpg)
BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PoesíaSa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...