TMK23: Ako

45 4 0
                                        

Ako

Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)

→★°★←

Marahil ay kilala mo na ako,
Yung ako na mahiyaing tao.
Ako na minsa'y tahimik o kaya'y nakatulala,
Ako na tila nasa ibang mundo na ako lamang ang nakakapunta.

Marahil ay kilala mo na ako,
Yung ako na masiyahing tao.
Ako na may pagkamadaldal at palatawa,
Ako na tila halos walang iniisip na kahit anong problema.

Yung ako na sanay nang nag-iisa,
Yung ako na mas pinipiling itago ang nararamdaman mula sa iba.
Yung ako na madaling pakisamahan,
Yung ako na weird kung iyong titignan.

Yung ako na binago ng aking mga kaibigan,
Yung ako na tila takot nang nag-iisa pati ang maiwanan.
Yung ako na binabago ng oras at panahon,
Yung ako na napapagod nang labanan ang mga di mabilang na mga alon.

Alam ko sa sarili ko kung sino ako,
Alam ko sa sarili ko kung ano ang mga nararamdaman ko.
Minsa'y alam ko rin ang iniisip ninyo patungkol sa akin,
Na mas pinipili kong manahimik at lahat ng 'yon ay kimkimin.

Nakakapagod rin pala ang maging ako,
Yung hindi ka na masaya kahit totoo ka sa sarili mo.
Nakakasawang magpanggap na ayos ka lang,
Yung pakiramdam na wala ni sinuman ang pwede mong mapagsabihan.

Ako lang naman dito,
Ako na sarili mismo ang susuyo.
Ako lang naman dito,
Ako na ang parating sagot ay "ayos lang ako."

→★°★←

Ako

→★°★←

Tulang May KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon