Sikreto
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)
→★°★←
May mga katotohanan na nakatago sa kasinungalingan,
May mga totoong damdamin na itinatago sa karamihan.
May mga kalungkutan sa likod ng bawat nakangiting labi,
May mga nakaraan at karanasan na pilit pa ring ikinukubli.
Bakit nga ba kailangan pang ilihim ang lahat ng 'to?
Kahit na alam kong nabubunyag ang anumang sikreto.
Bakit nga ba kailangan kong matakot na ito'y malaman ng iba?
Kung ngayon pa lang ay ako'y hinuhusgahan na nila.
Alam ko naman na bawat isa ay may lihim at sikreto,
Marahil ayaw kong ipaalam ang isang bahagi ng aking pagkatao.
'Yung pakiramdam na 'di ko dama ang sariling kalayaan,
Tila nakakulong sa isang pangyayari ng aking nakaraan.
Mga pangyayaring pilit kong kinakalimutan,
Hinihiling na sana'y 'di na lang ito nangyari o aking naranasan.
Mga sikretong ayaw kong ipaalam at baka may ibang masaktan,
Na halos wala nang pakialam sa sariling nararamdaman.
May mga lihim akong gusto ko nang ipagsabi,
Mga sikretong hatid lamang sa akin ay hapdi.
May mga lihim akong gustong kalimutan,
Na ayaw ko nang dalhin sa pagsapit ng kinabukasan.
→★°★←
Sikreto
→★°★←
BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PoetrySa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...
