TMK10: Sandali

69 5 0
                                    

Sandali

Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)

→★°★←

Tila kahapon lang ay kausap pa kita,
Inaaalala ang mga huli mong salita.
Hindi man tayo magkausap na dalawa,
Alam ko na 'di mo pa rin nalilimutan ang dati nating alaala.

Kinatanghalian, araw ng huwebes nang makauwi ako,
At nakatanggap ng mensahe na patungkol sa'yo.
Agad ko itong binasa at inaakalang 'di totoo,
Sabi ng kapatid mo'y wala ka na daw sa mundo.

Nabigla ako nang tinawagan si ina,
Na ang balita tungkol sa'yo ay totoo pala.
Ang sabi sa amin ay naaksidente ka,
Sabay padala ng litrato mong duguan ang itsura.

Lamay na nang mapuntahan kita,
'Di makapaniwala na nawala ka na lang bigla.
Kinuwento sa'kin kung paano ka nadisgrasya,
At madaling araw na nang mangyari ang trahedya.

Sabi ng kapatid mo na ang lakas mo daw,
Kahit pikit na ang isa mong mata't duguan ka ay tila ayaw mong bumitaw.
Kasabay ng pag-agos ng dugo ay siyang pagtulo ng iyong luha,
Nananatili kang gising para 'di mawaglit ang bawat sandaling natitira.

Alam kong matinding sakit at lungkot ang nadarama ng iyong pamilya,
Dahil nauna ka daw kaysa sa kanila.
Pero hindi lang ako makapaniwala,
Na kailangan naming tanggapin na ika'y wala na.

Alam kong malakas ka at hindi madaling sumuko,
Pero 'pag oras na pala ang nagtakda ay lahat nang 'yon ay guguho.
Hindi ako umiyak nang makita kita,
Kasi 'di naman tayo malapit sa isa't isa.

Naaalala ko pa nung kalaro pa kita no'ng mga bata pa tayo,
Haggang sa naghiwalay tayo at tila estranghero na sa isa't isa nang muling magkatagpo.
Pero kahit na may distansyang sa atin ay pumapagitan,
Hindi pa rin mawawala ang pagmamahal ko sa'yo kagaya nang nakaraan.

Sandali ka mang nabuhay sa mundong ito,
Alam kong sa pag-alis mo'y nag-iwan ka ng mga alaalang hindi magpapalimot sa'yo.
Mahirap mang tanggaping minsa'y ika'y nariyan pa,
Na ngayo'y wala na sa maiksing sandaling ikaw ay aming nakasama.

→★°★←

Sandali

→★°★←

*In memory of my passed away pamangkin.*

Tulang May KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon