Sulyap
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)→★°★←
Kung alam mo lang kung gaano katagal na kitang hinahangaan.
Halos kabisado ko na nga ang iyong mga kilos at galawan.
Nandito lang naman ako pasulyap-sulyap sa'yo,
Habang ikaw ay patuloy lang sa mga pinagkakaabalahan mo.Narito lang naman ako sa isang tabi,
Hinihiling na kahit minsan man ay iyong mapansin ang mga lihim kong pagtingin.
Nariyan ka na nga lang malapit sa akin, ngunit bakit ka'y layo mo pa rin na tila mundo ang pumapagitan sa atin.Alam ko naman, alam ko naman na may mga bagay kang mas pinapahalagahan.
Na kahit itong simpleng pagtingin kong ito ay wala lang sa iyo.
Na kahit alam mo sa sarili mo na ika'y nalilito ay patuloy ka pa rin sa mga ginagawa mo.Tumingin ka naman sa'kin.
Kahit isang tingin mo lang na nagsasabing ika'y aking samahan.
Lalapit ako at akin kitang tutulungan.Pero nakakabigla ka naman.
Bakit bigla kang tumingin at ngayo'y naglalakad papalapit, papunta sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang dapat kong gawin.
Kakausapin. Kakamustahin. O iiwasan ko na lang ang iyong nakakahulamaling na mga tingin.Kinausap mo ako saka niyayang kumain. Napakasaya ko dahil iyong napansin ang mga palihim ko sa'yong mga tingin.
Inaakala ko na hanggang sulyap na lamang ako sa'yo.
Ito pala ang magiging daan upang mapansin mo rin ako.Pasulyap-sulyap mula sa malayo.
Hindi inaakalang mga mata nati'y magkatagpo.
Napakagandang isipin na mayroong ikaw at ako.
Nang dahil sa sulyap ay naging tayo.→★°★←
Sulyap
→★°★←
BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PuisiSa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...