TMK17: Ilaw

56 5 0
                                    

Ilaw

Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)

→★°★←

Sa bawat paggising ko ay boses niya agad na naririnig ko,
Sa bawat pagmulat ko ay siya ang unang nakikita ko.
Sa bawat pagtawa ko ay siya ang dahilan ng mga ito,
Na kahit sa pag-iyak ko ay siya ang parating naiisip ko.

Parati siyang nariyan na nakasuporta sa akin,
Hindi napapagod sa kaniyang paulit-ulit na mga bilin.
Kahit nakakasawa nang marinig ang kaniyang mga salita,
Hinding hindi naman ako magsasawang marinig ang boses niya.

Noon hanggang ngayon ay hindi niya ako iniwan,
Kahit sa mga problema ko ay parati siyang nariyan.
Siya ang naging inspirasyon kong 'wag sumuko sa hamon ng buhay,
At siyang naging gabay sa aking bawat tagumpay.

Ang makita kong masaya siya sa aki'y tuwa rin ang dala,
Ang marinig ko ang mga tawa niya'y hatid sa aki'y kakaibang saya.
Mga biruan naming hinding hindi ko pagsasawaan,
Pagmamahal niya na habambuhay kong pasasalamatan.

Hindi ko man ipakita ang lungkot na nararamdaman ko,
Alam niya ito at nariyan siya para ibalik ang saya ko.
At sa bawat pagkakamaling nagagawa ko,
Nariyan siya para itama ako at tulungan sa bawat desisyon ko.

Siya ang nagsisilbing gabay sa aking pinapangarap na kinabukasan,
Siya ang pwede kong lapitan sa oras ng problema't kalungkutan.
Siya ang nagpapanitiling maayos at masaya ang aming pamilya,
Siya ang nagbibigay ng higit na pagmamahal na pwede naming madama.

Sa bawat ilaw ng tahanan ng bawat pamilya,
Gusto kong ibahagi ang pasasalamat at pagmamahal na sa ami'y inyong ipinadama.
Ang pagiging matatag upang lampasan ang bawat hamon ng buhay,
Nais kong sabihin na mahal na mahal kita inay.

→★°★←

Ilaw

→★°★←

*Happy Mother's Day to all mothers.*

Tulang May KuwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon