Paglipas
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)
→★°★←
Ibang iba na ang panahon ngayon,
'Di tulad ng dati na banayad lamang ang alon.
Masasayang alaala ng nakaraang taon,
O, kay bilis lumipas ng oras at panahon.
Nakakatakot isipin ang mga pwedeng mangyari,
Hindi sigurado sa mga nakalaang sandali.
Maikling panahon na sa ati'y nakalaan,
Mga 'di inaasahang pangyayaring ating nararanasan.
Sa pagtakbo ng oras ay may nangyayaring pagbabago,
Hindi inaasahang pagbabagong nangyayari sa bawat tao at sa ating mundo.
Mga pagbabagong maaaring nakabubuti sa iba,
Ngunit may kaakibat palang peligro at disgrasya.
Sabi nila'y ang pagbabago ay permanente na sa mundo,
Habang katuwang nito ang oras at panahon na tumatakbo.
Kahit sa bawat maikling oras at mahabang panahon na gugulin mo,
Lahat-lahat ay mayroon pa ring magbabago.
Sa mabilis na paglipas ng panahon ay iyong maaalala,
Nakaraang kay hapdi at pait na ngayo'y guminhawa.
Maaaring ngayon ay mas bumuti ang ating buhay,
Ngunit may ibang nilalang bukod sa atin ang unti-unting namamatay.
→★°★←
Paglipas
→★°★←
BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PoetrySa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...
