Luha
Isinulat ni:
Blazeglaze (Emman LC)→★°★←
Nakikita kong tahimik lang siya 'pag walang kasama,
Nandoon lang nakaupo at parating tulala.
Akala ko nga, nakakabagot siyang kasama,
Pero no'ng nakilala ko siya ay hindi naman pala.Matagal-tagal ko na rin siyang kilala,
Makikita ko siyang nakasimangot o kaya'y tumatawa.
Alam ko rin kung mayroon siyang problema,
Kahit tanungin mong "Ayos ka lang?" ay ngingitian ka lang niya.Madalang ko lang siyang nakikitang malungkot,
Na kung sakaling tumawa siya ay agad niya itong malilimot.
Ayaw niya saking sabihin kung ano ang dahilan,
At parati niyang sasabihin na siya'y ayos lang.Sabi nila na kung sinong tao ang parating masaya,
Ay siyang malungkot kapag ito ay nag-iisa.
Totoo kaya na malunkot siya at ayaw niya lang na ipakita?
Kasi kahit kailan ay 'di ko pa siya nakitang lumuha.Dumalaw ako sa bahay nila nang 'di ko sinasabi sa kaniya,
Nang makarating ako'y walang katao-tao sa bahay nila.
Pumasok ako kasi bukas naman ang pintuan ng bahay,
Kung nandito siya ay may surpresa akong gustong ibigay.Nabigla na lang ako nang lumabas siya ng kaniyang kuwarto,
At nagulat dahil mga mata niya'y namumugto.
Kita kong nagulat din siya sa pagdating ko,
Ngunit nabigla na lang ako nang lapitan at yakapin niya ako.'Di ko alam ang gagawin at hindi ako makapagsalita,
Habang ramdam ko ang bawat paghikbi niya.
Ngayon ko lang napansin ang taling nakasabit sa kisame nila,
At agad akong natakot para sa maaaring gawin niya."Salamat" ang tangi niyang bigkas sa akin,
Nagpapasalamat dahil ako daw ay dumating.
"Patawad" ang ngayon nama'y wika niya,
Na maiisipan niyang gawin ang ganitong bagay sa buhay niya.Sa totoo lang, masiyahin siyang tao,
'Yung kahit anong mangyari'y parati siyang positibo.
Ngunit ngayong nakikita ko siyang lumuluha,
Na 'di ko akalaing sobrang sakit na pala ang nararamdaman niya.Kinalma ko at dinamayan ko siya,
Habang patuloy lang siya sa kaniyang pagluha.
Matagal na niya pala itong ikinikimkim,
Na sa kahit kanino ay kaniya itong inililihim.Sinabihan ko siyang hindi siya nag-iisa,
At ang kilala kong siya na kayang harapin ang kahit anong problema.
Ang siyang may ngiti sa labi at positibo sa buhay,
Ang siyang kilala kong masayahin at kontento sa lahat ng bagay.→★°★←
Luha
→★°★←

BINABASA MO ANG
Tulang May Kuwento
PoetrySa bawat kuwentong aking nababasa, Ay may hatid na kakaibang hiwaga. Maaaring malayo ito sa katotohanan, Ngunit maraming aral ang nilalaman. --- Orihinal na gawa ni: Blazeglaze (Emman LC) Petsa nang umpisahan: Ika-dalawampu't lima ng Agosto, taong d...